Chapter 10: The billionaire's son

873 19 1
                                    

Joyce's POV

"Hindi siya naniwala?!" Napalakas pa ang tono ni Fier nang ikwento ko sa kan'ya ang nangyari.

"Oo, expected ko na naman iyon. Kahit masakit." Malungkot na sabi ko.

"Huwag ka ngang sumuko agad! Syempre no, iisipin niya na pera lang habol mo sa kan'ya. Alam mo na di ba? Ganoon sa pelikula pero—

"Pero realidad 'to Fier, at ang anak ko ang pinakamasasaktan." Naiiyak ko nang sabi.

"Sorry." Bulong niya.

"Oh, nandito lang pala kayo." Napatingin ako sa gate nang iniluwa nito si Peter.

Nasa bahay kasi kami ngayon. Mabuti at nasa school pa si CJ kaya hindi niya maririnig kung pag-uusapan man namin ang Papa niya.

"Sige Bes, mauna na ako ha? May lakad pa ako eh. Una na ako Peter!" Paalam ni Fier.

Tango lang ang sinagot ko sa kan'ya.

"Kumusta? Bakit nakabusangot iyang mukha mo? Magsisimula ka na sa trabaho bukas 'di ba?" Tanong ni Peter nang makaalis na si Fier.

"Wala 'to Peter. Huwag mo na ako intindihin, bakit ka nga pala nandito?" Ako naman ang nagtanong sa kan'ya.

"Sumahod kasi ako ngayon sa isang part time ko eh, gusto ko sana kayong imbitahan ni CJ, kain tayo sa labas." Nakangiti niyang aya sa amin.

"Gagastos ka pa—

"Tito! Mama!" Naputol ako sa sasabihin ko nang makapasok na si CJ sa loob ng bahay kasama si Aling Yang.

"Oh! Andito na pala ang pakner in crime ko eh! Kumusta ang school?" Tanong ni Peter sa kan'ya nang salubungin siya nito ng yakap.

"Okay lang Tito! Naperfect ko nga yung math kanina eh!" Ngiting sabi ng anak ko.

Napangiti na rin ako. Tila napawi ng mga ngiti niya ang alalahanin sa puso ko.

"Talaga?! Ang galing talaga! Dahil na perfect mo ang math may premyo si Tito Peter sa iyo, kakain tayo sa labas!" Excited na sabi ni Peter.

"Wow! Talaga Tito?! Yehey!" Tuwang-tuwang sabi ni CJ.

"Oo, kaso mukhang ayaw pumayag ni Mama mo eh." Pinalungkot pa ni Peter ang mukha niya.

Ang asungot na ito! Ginawa pa akong masama sa anak ko!

"Mama, bakit po?! Sumama na tayo kay Tito Peter!" Pamimilit ni CJ sa akin.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh nacorner na ako ng Tito mo? Peter ha, sa mumurahin lang tayo." Babala ko sa kan'ya.

"Yes, Maam!" Nagsalute pa ang mokong!

"Oh, kayo lang muna ngayon ha? At maaga akong magpapahinga." Sabat ni Aling Yang.

"Aling Yang naman, sumama na po—

"Huwag na, ano ka ba. Kayo na lang." Hindi na niya ako pinatapos o pinasagot pa uli at agad din pumasok sa loob ng kwarto niya.

Wala na nga kaming nagawa kundi umalis na lang.

Akala ko sa mumurahing restaurant lang kami kakain pero mukhang sa mamahalin kami dinala ni Peter.

"Peter! Sabi ko sa—

"Mura lang dito ano ka ba, at isa pa healthy dito kasi, pure vegetables lang sila." Ngiting sabi ni Peter.

Dahil wala naman akong alam kung ano ang oorderin ko ay siya na ang pina-order ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil wala naman akong alam kung ano ang oorderin ko ay siya na ang pina-order ko.

"Mama, pupunta muna ako sa C.R, naiihi po ako." Maya-maya ay paalam ni CJ.

"Sige samahan na—

"Hindi na po Mama, hindi na naman ako bata." Nakasimangot pa na sagot niya.

Natatawa na lang ako habang pinapanood siyang pumunta sa kung saan.

"Si CJ ba ang dahilan kung bakit ka malungkot kanina?" Napatingin ako kay Peter nang magsalita siya.

"Kahit kailan hindi siya naging dahilan ng kalungkutan ko Peter. Malungkot lang akong isipin na hindi ko man lang maibigay sa kan'ya ang hiling niya ngayong pasko." Napayuko pa ako para itago kay Peter ang luhang kakawala na ata sa mga mata ko.

Gustuhin ko man na ibigay sa kan'ya ang hiling niya, pero mukhang mahihirapan ako. Paano ko mapapaniwala si Dondon na anak niya si CJ?

Don Cezar's POV

"Pareho kayong nag-aral sa Grace Academy noong highschool sir, at may anak na nga siya. Christian John o CJ ang pangalan ng bata, walang kinikilalang ama. At ang tanging paraan lang para mapatunayan na kayo ang ama ay kung magpapa DNA ang bata." Mahabang sabi ni Gray habang kumakain kami sa restaurant na nadaanan namin.

"Ano ang pangalan niya?" Tanong ko habang patuloy sa pagkain.

"Joyce Laurente sir. Laurente rin ang apelyido ng bata, nang malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis niya sa murang edad ay inatake ang Papa niya at namatay, pinalayas naman siya ng Mama niya dahil mas ginusto niyang buhayin ang bata kesa ipalaglag ito na ayon sa kagustuhan ng ina niya." Sagot ni Gray.

Joyce Laurente?

Wala talaga akong naaalalang ganyang pangalan.

"Ano ang motibo niya? Kung anak ko ang bata, bakit ngayon lang niya sinasabi sa akin?" Tanong ko pa.

"May sakit ang bata sir, Polycystic Kidney Disease." Napahinto ako sa pagkain nang marinig ang sinabi ni Gray.

Napahawak ako sa sentido ko nang sumakit iyon.

"Yes sir, kapareho po ng kondisyon ng Mama ninyo noon. Namamana raw ang sakit na ito, kaya malaki talaga ang chance na anak nga ninyo ang bata." Dagdag pa ni Gray.

Hindi ko na pinansin pa si Gray at agad tumayo papunta sa CR.

Agad akong naghilamos sa malamig na tubig.

Ayoko talagang naririnig ang sakit na iyon. Nagkatrauma na ata ako, namatay ang Mama na hindi ko alam na ganoon na pala ang hirap na dinaranas niya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pag-agos.

"Okay lang po kayo?" Napatingin ako sa batang nasa tabi ko pala.

Agad ko naman pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad ko naman pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

"Sabi ng Mama ko, mas okay daw na umiyak kapag sobrang sakit na ng nararamdaman natin. Kaya umiyak lang kayo Manong, simbolo ng totoong tapang daw iyan para sa isang lalaki." Dagdag pa niya.

Tinitigan ko lang ang maingay na batang ito.

"Ang totoong lalaki, umiiyak." Sabi pa niya bago ako tuluyang iwan.

Hindi na ako nakasagot dahil mabilis na siyang nawala sa paningin ko.

Napatawa naman ako.

Loko lokong bata iyon ha.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumalik na ako sa mesa.

"Maghanda ka ng meeting sa babaeng iyon. Gusto ko siyang makausap." Utos ko kay Gray.

"Yes, sir." Sagot niya.

Kailangan kong makompirma kung totoong ako nga ama ng bata.

Pero paano kung ako nga? Makakaya ko bang maging ama sa kan'ya?

(HAPPY NEW YEAR MY BELOVED READERS!!!)

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon