Chapter 26: Why?

653 14 1
                                    

Joyce's POV

"M-Mama." Nagising ako mula sa pagkakaidlip nang marinig ang boses ni CJ.

"CJ! Kumusta ka anak? May masakit ba sa iyo?" Heto na naman ang mga mata kong parang maiiyak.

Agad tinawag ni Aling Yang ang mga Doctor.

"O-Okay lang ako Mama. Nasaan po si Daddy?" Tanong niya.

"I'm here." Napatingin kami sa nagsalita.

"D-Dondon."

"How's my brave son?" Nakangiting sabi niya kay CJ na ngayon ay nakangiti na rin.

"Mabuti po." Sagot niya sa ama.

"He is stable now, sir. Maybe in a week makakalabas na siya ng ospital." Pahayag ng Doctor na nag-opera kay CJ.

"Mabuti naman, make sure na magtutuloy-tuloy ang paggaling ng anak ko." Sagot ni Dondon sa Doctor.

"Maraming salamat Dondon, maraming salamat. Kundi dahil sa tulong mo baka ano na ang nangyari kay CJ." Pagpapasalamat ko sa kan'ya.

"Kay CJ ka magpasalamat dahil lumaban siya Joyce. Hmm, by the way can we talk?" Medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

Paano kung ito na iyon? Paano kung bigla na niyang sasabihin na may kapalit pala talaga ang pagtulong niya sa amin?

"S-Sure, sa rooftop ba?" Tanong ko.

"Nope. Mamayang 7pm, ipapasundo kita kay Gray." Sagot niya saka ako iniwan.

Hindi man lang niya ako hinintay na sumagot.

Don Cezar's POV

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko matapos kong sabihin iyon kay Joyce.

Kinakabahan ba ako?

Kaya imbes antayin ang sagot niya ay nagmamadali akong lumabas.

"Anak." Nasalubong ko naman ang Papa na siguro'y dadalaw kay CJ.

Naalala ko na naman ang ginawa niya.

"Maaari ba kitang makausap sandali?" Sabi niya pa.

"Marami akong ginagawa." Iyon lang at iniwan ko na siya.

Pero saglit akong natigilan.

"Kung ano man ang intensiyon niyo sa mag-ina ko sana hindi nakakasama sa kanila. Kasi kapag may ginawa na naman kayo para paikutin ako sa mga palad niyo, kalimutan niyo ng anak niyo ako." Sabi ko na hindi na nag-abalang lingunin siya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Agad naman akong sinalubong ni Gray.

"Sir, may problema tayo." Sabi niya nang makasakay ako nang sasakyan.

"Ano?"

"May mga trabahanteng nag-wewelga sa harap ng mall natin, nalaman nila na hindi binabayaran ang mandated government fees ng agency na kinuha natin." Sagot niya.

Napahawak naman ako sa sentido ko.

"Bakit doon sila sa mall ko nagrereklamo? Kung agency naman pala nila ang may problema?" Tanong ko.

"Nasa loob ng mall ang opisina ng agency sir." Sagot niya

"Ano ang action taken?"

"Sa ngayon sir ay humupa na ang gulo dahil nagpatawag na ako ng mga pulis. Kontrolado ko na rin ang media sir, kaya huwag na kayong mag-alala hindi ito aabot kay President Mac." Napabuntong-hininga ako nang marinig ang pangalan ng magaling kong kapatid.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon