Chapter 35: The moon is always beautiful

851 21 1
                                    

Don Cezar's POV

Halos paliparin ko na ang sasakyang dala ko papunta sa villa kung nasaan ang mag-ina ko.

"Joyce, Joyce sumagot ka." Bulong ko habang tinatawagan si Joyce.

Pero hindi siya sumasagot.

"Damn! Kapag may nangyari sa mag-ina ko mananagot ka Gray!" Sigaw ko sa loob nang sasakyan.

Bakit kasi hindi ako nag-iisip!

Hindi ko akalain na si Gray pala ang lihim kung kaaway.

Matagal ko na siyang pinagkakatiwalaan.

Saka ko naman naalala ang isang pag-uusap namin.

Flashback

"Nawalan ka rin ba nang mahal sa buhay Gray?" Tanong ko sa kan'ya nang minsang samahan niya ako sa puntod nang Mama.

"Oo." Napatingin ako sa kan'ya nang biglang magbago ang boses niya.

Parang.. Galit ang naging pagsagot niya.

"Ang masakit sir, hindi dapat siya ang nawala." Nakita ko pang tumulo ang mga mata niya kasabay nang pagpatak nang ulan.

" Nakita ko pang tumulo ang mga mata niya kasabay nang pagpatak nang ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Huwag na natin pag-usapan iyan sir." Biglang bawi niya.

"Mama mo rin ba?" Tumingin naman siya sa akin saka sumagot.

"Kapatid ko." Puno nang poot ang mga mata niya.

End of flashback

Sinuntok-suntok ko na ang manibela nang maalala ko ang araw na iyon.

Kasalanan ko 'to.

Muli kung tinawagan si Joyce ngunit 'di pa rin siya sumasagot.

Saka ko naman naalala na papunta rin si Peter sa villa.

Agad ko siyang tinawagan. Nakuha ko dati ang personal details niya nang ipabackground check ko siya.

"Peter, nasaan ka na?"

Peter's POV

Malapit na ako sa address na tinext ni Joyce nang mag-ring ang phone ko.

Number lang ang nakarehistro.

Hindi ako yung tipo na sumasagot ng mga unknown calls pero hindi ko alam kung bakit parang gusto kong sagutin ito ngayon.

"Peter, nasaan ka na?" Bungad agad nang tumawag sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

"Dondon?" Bakit kaya tumatawag ang isang ito? Para ipamukha sa akin na siya ang mahal ni Joyce at hindi ako?

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon