Chapter 27: Bastard's agony

656 18 1
                                    

SPG Alert

Joyce's POV

"Joyce, okay ka lang?" Napatingin ako kay Peter nang magsalita siya.

Saka ko napansin na nakaupo na pala kami sa may park.

"O-Oo." Medyo tense na sagot ko.

Hindi pa rin pala talaga ako sanay na makitang nakikipag-away si Dondon.

Parang bumalik iyong dati.

Flashback

Nang malaman kong buntis ako ay sasabihin ko na dapat kay Dondon.

Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya na nabuntis niya ang isang tulad ko.

Kaso nakita ko siyang nakikipagbasag-ulo noon.

Mag-isa niyang nilalabanan ang sampung lalaki.

"Tulong! Tulong! May binubugbog po rito!" Nagsisigaw kong sabi habang nagtatago.

"Bwesit! May araw ka rin!" Sigaw ng isang lalaki kay Dondon saka ito iniwang duguan.

Agad akong tumakbo papunta sa kan'ya.

Buti na lang nagsidatingan na rin iyong mga nakarinig sa sigaw ko at agad tumawag ng ambulansiya.

Halo-halong kaba ang naramdaman ko habang nag-aantay matapos ang operasyon ni Dondon.

"Ikaw ba ang nagligtas sa anak ko?" Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin.

Siya ang Papa ni Dondon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Siya ang Papa ni Dondon.

"Salamat sa ginawa mo." Sabi niya saka kinuha ang kamay ko kasabay ng pag-abot ng makapal na sobre.

"P-Para saan po ito?" Tanong ko.

"Reward iyan sa pagligtas mo sa kan'ya. Kasalanan ko ang nangyaring ito, masyado niyang dinibdib ang pagkawala ng Mama niya kaya siya nagkakaganito. Salamat at naligtas mo siya." Dagdag pa niya.

Bago pa ako nagsalita ay nagsalita na naman siya ulit.

"Ihatid mo na ang batang ito sa bahay niya."

Wala akong nagawa non kundi umuwi na lang.

"D-Dondon."

Siguro mas magandang hindi na ako dumagdag sa pinagdadaanan niya.

Siguro mas magandang itago ko na lang ang anak namin sa kan'ya.

Baka mas lalo lang masira ang buhay niya.

End of flashback

"Hoy!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang biglang sumigaw si Peter.

"Sabi ko gusto mo ba ng isaw, libre ko." Nakangiting aya niya sa akin.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon