Chapter 21: Suitor

712 14 3
                                    

Joyce's POV

Flashback

Nagising ako na parang naduduwal kaya't nagmadali akong bumangon at pumasok sa banyo.

"Ahhh!" Napasigaw na ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

Kahapon pa ako ganito.

"Anak, okay ka lang ba? Kahapon pa iyan ha, magpacheck-up na kaya tayo?" Alalang sabi ni Mama na nasa tabi ko na pala at hinagod-hagod ang likuran ko.

"A-Ayos lang ako Mama, huwag na kayo mag-alala. Dahil lang siguro ito sa sunod-sunod na pag-ulan at lagi kong nakakalimutan magdala ng payong." Sagot ko kay Mama.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Bakit mo ba laging nalilimutan ang payong mo? Hayaan mo ihahanda ko na para sa iyo." Sabi niya saka ako iniwan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, isa lang ang tumatakbong rason sa isip ko kung bakit ako nagkakaganito.

"Hindi, hindi pwede." Naluluha kong bulong.

Kahit masama pa rin ang pakiramdam ko ay naisipan ko pa ring pumasok sa eskwelahan.

"Hindi ba si Cezar Cadenas iyon? Anong ginagawa niya diyan sa rooftop?"

"Magpapakamatay ba siya?!"

"Naku! Sayang ang lahi niya kung magpapakamatay lang siya!"

Narinig kong bulung-bulungan ng mga estudyanteng nasa harap ng paaralan namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dondon na nasa rooftop at animo'y tatalon na.

Nagmadali akong tumakbo paakyat ng rooftop.

Hingal na hingal ako nang makapasok ako sa loob.

Mabuti na lang at naabutan ko pa siya.
Agad ko siyang hinila at kapwa kami natumba.

"Ano bang ginagawa mo! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko sa kan'ya nang makatayo kami pareho.

Halata ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo?" Sa halip ay kalmadong tanong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong ginagawa mo?" Sa halip ay kalmadong tanong niya.

"Alam ko nasasaktan ka sa pagkawala ng Mama mo, lahat naman siguro magkakaganon. Pero hindi mo ba iniisip ang mararamdaman niya na nakikita ka niyang ganito?!" Matagal bago niya ako sinagot.

"Huwag mong sisirain ang buhay mo, dahil nasisiguro ko na iyon din ang gusto ng Mama mo na gawin mo." Dagdag ko saka siya iniwan.

"Wala kang—

Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla akong natumba.

Wala na akong maalala pagkatapos noon.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon