Chapter 31: The Confession

734 16 2
                                    

Uno's POV

Nakuyom ko ang kamao ko nang makitang nakangiti si Cezar habang kausap niya ang pinakamamahal niyang babae.

Sige lang, matatapos din iyang mga ngiti mo. Sisiguraduhin ko na unti-unting mawawala sa'yo ang mga mahal mo sa buhay.

Pagkasabi ko non ay agad ko nang tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.

"Mr. Buen."

"Chairman! Napatawag kayo?" Halata ang gulat sa mukha niya.

"Gawin mo na ang plano mo para mapatay si Mac Romer. Siguraduhin mo na mamamatay siya at lahat ng taong hahadlang."

"Huwag kang mag-alala Chairman, hindi ako kagaya ng kinuha niyong mga tauhan sa abroad para tapusin ang buhay ni Jacinth Jude." Nakangising sagot niya.

Napahawak naman ako sa sentido ko nang maalala ang palpak na mga tauhan ko abroad para patayin sana si Jacinth Jude. Pero mukhang sila pa ang napahamak.

"Siguraduhin mo na hindi ka papalpak, dahil alam mo na nasa hukay na ang isang paa mo. Huwag niyong ipahalata na papatayin niyo talaga siya." Pagkasabi ko non ay agad ko nang pinutol ang tawag saka tinanggal ang sim at binali iyon saka nilagay sa basurahan na nandoon sa labas ng bahay nila Joyce Laurente.

Ang babaeng pinakamamahal ni Cezar.

Napangisi naman ako. Wala siyang kaalam-alam na ang babaeng nabuntis niya ay ang babaeng bumihag na rin sa puso niya noon pa man.

Helioza Joyce Laurente.

"Sisiguraduhin ko na sa oras na malaman mo ang totoo, malamig na bangkay na ang pinakamamahal mo. Huwag kang malungkot, dahil isusunod kita."

"Pero bago iyon, ipaparamdam ko muna sa'yo ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay gaya ng ginawa mo kay Dos."

At hindi ko na naman napigilan ang sarili kong maluha.

Don Cezar's POV

Nagising ako sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko.

Agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Gray.

"Gray, bakit?" Inaantok ko pang tanong.

"Sir, masamang balita! Nabaril po si President Mac! Malubha ang lagay niya!"

"Ano?!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa balitang narinig ko.

Kuya..

"Ang balita po sa akin ni Sir Michael, heart transplant na lang po ang magliligtas kay President Mac, kaso napakarare ng blood type niya sir kaya nahihirapan silang humanap ng donor." Balita ni Gray nang papunta na kami sa sasakyan.

"Si Jacinth? Alam na ba niya?" Tanong ko at akmang tatawagan na sana siya.

Matagal na ang huli naming usap. Ang naalala ko tumawag siya nang masuntok ako ni Kuya. Doon ko na rin binalita sa kan'ya na may anak ako.

"Nasa ospital na si sir Jacinth sir. Kanina ko pa kayo tinatawagan pero hindi kayo sumasagot." Sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.

"Nanay Toots." Tawag ko kay Nanay nang makarating na ako sa ospital.

"Cezar." Umiiyak na sabi niya.

Agad ko naman siyang niyakap.

Alam ko na sa aming lahat, siya ang pinakanasasaktan. Alam ko na siya ang totoong Mama ni Kuya.

Narinig ko minsan ang pag-uusap nila ng Papa.

"Huwag na kayong umiyak, I'm sure magiging okay din ang lahat. Malakas si Kuya Mac." Pagpapagaan ko sa bigat na nararamdaman niya.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon