Epilogue

1.1K 18 5
                                    

Joyce's POV

"Nandito na tayo." Napatingin ako kay Dondon nang tumigil na pala ang sasakyan namin.

Saka ko binaling ang tingin ko sa Memorial Church kung saan nakahimlay ang labi ni Peter.

Dead on arrival na siya nang makarating kami sa ospital.

Iyak ako nang iyak na hindi makapaniwala sa nangyari.

"Joyce." Naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko ni Dondon nang maiyak na naman ako dahil sa nangyari.

Nang makapasok kami sa loob nang simbahan ay napakaraming bisita. Mga business tycoon din.

Hindi ko akalain na si Peter pala ang CEO nang pinagtatrabahuan ko at hindi pala siya totoong anak ni Mang Kanor.

Nais lang talaga niyang mapalapit sa amin ni CJ kaya siya nagpanggap.

Kaya pala.

Kaya pala lagi ko siyang nakakapitan sa oras ng kagipitan.

Lagi siyang nandyan.

At iyong business owner na binully si CJ, kinabukasan agad non hindi na siya ang naging may-ari ng kumpanya niya at nag-sorry pa siya sa amin ni CJ sa pambubully nito.

"Ayaw niyang sabihin sa'yo Bes, kasi daw baka layuan mo siya kapag nalaman mo na mayaman siya." Sabi pa ni Fier sa akin.

"Alam mo na napakabuti ni Peter? Hindi lang birthday ko o ng mga kasama ko ang pinapahandaan niya ng mga pagkain, pati birthday ng mga pamilya namin Joyce. Alam niya lahat iyon." Umiiyak na sabi sa akin ni Mang Kanor.

Mas lalo akong umiyak nang marinig ko iyon.

At ngayon na nakikita ko siyang nakahimlay, parang sinasaksak ang puso ko.

Iyak lang ako ng iyak.

Peter....

"Ms. Laurente." Napatingin naman kami ni Dondon sa lumapit sa akin.

"I'm atty. Perez, ako ang abogado ni sir Peter. Gusto ko po sana kayong makausap."

"Hindi ba pwedeng saka na—

"Sige." Putol ko sa sasabibin pa sana ni Dondon. Nginitian ko naman siya para mawala ang pag-aalala sa mukha niya.

"A-Ano?" Nagulat ako sa sinabi nang atty. ni Peter.

"Oo, sa'yo gustong iwanan ni Peter lahat ng ari-arian niya sa Pilipinas. Kung ayaw mo raw itong tanggapin, ililipat niya ito kay CJ." Sagot niya.

Hindi naman ako nakasagot agad.

"Ito ang huling last will ni sir Peter, basahin niyo at saka niyo ako tawagan." Pagkaabot niya sa akin ng isang sulat ay umalis na rin siya.

Binasa ko naman ang sulat na iniwan ni Peter para lang mapaluha nang makita ang sulat kamay niya.

Pumatak pa ang luha ko sa papel na iyon.

My Moon,

Siguro kung nababasa mo ito, nakaalis na ako sa Pinas. Alam ko na tatanggihan mo ang iniwan kong pera para sa iyo kaya ako nag-iwan din ng sulat na'to para sabihin na ibibigay ko kay CJ kung sakaling ayaw mo man.

Pero sana Joyce, tanggapin mo. Kahit ito na lang, kahit hindi na ang pagmamahal na kaya kong ialay sa iyo.

Sorry kung nagsinungaling ako sa totoo kung pagkatao, you were always so true to me pero ako nagsisinungaling sa iyo. Bilang kapalit, just wanna let you know na hinanap ko ang Mama mo. Nahanap ko siya at mag-isa na lang siya sa buhay, matagal ka na niyang gustong hanapin pero hindi niya magawa dahil alam niya na sobrang laki ng kasalanan niya sa iyo.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon