Chapter 9: Who are you?

835 21 0
                                    

Don Cezar's POV

"Sir, naging effective po ang ginawa nating strategy, as of now lumaki ng 10% ang sale in just a week compared to last year sales natin." Bungad ni Gray sa akin nang makapasok siya sa condo ko.

"Mabuti naman, kailangang maagapan natin ang lahat ng nawala. Ayokong ang mga department stores na under sa pamamahala ko ay maging pabigat pa kay Kuya. Lalo lang akong pag-iinitan non."

"Yes, sir. Kailan ulit ang D-night sir? Para maihanda ko na po ang babae ninyo." Tanong pa niya.

"Gusto ko ng extra service ngayon. Ipadala mo na lang dito sa condo." Sagot ko sa kan'ya.

Agad naman siyang nagpaalam para asikasuhin ang utos ko. Naisipan kong magshower na muna.

Papasok na sana ako sa CR nang marinig kong tumunog ang door bell.

Ang bilis naman?

Nakakunot ang noong binuksan ko ang pinto.

Bahagya akong natigilan nang makita siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bahagya akong natigilan nang makita siya. Ang ganda naman ng isang ito.

Napansin kong natulala din siya nang makita ako.

"Pasok ka." Tipid na sabi ko.

Half-naked lang kasi ako.

"Maliligo na muna ako, maghanda ka na." Sabi ko saka siya iniwan sa sala para maligo.

"A-Ah, sandali—

"Sandali lang ako." Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at agad ng pumasok sa C.R.

Joyce's POV

"Naku, pasalamat ka dati akong nagtatrabaho roon kaya alam ko na doon nakatira si Mr. Cadenas. Crush na crush ko pa naman iyon, grabe Bes di pa rin ako makapaniwala na siya ang papa ni CJ." Manghang sabi ni Fier.

Nang naging malapit nga kami ni Fier ay nakwento niya sa akin na ang dati niyang amo ay si Dondon— Ang ama ng anak ko.

"Salamat sa impormasyon Bes ha? Hindi ko nga alam kung paniniwalaan niya ako eh." Kinakabahan kong sabi sa kan'ya.

"Alam ko na kasunod niyan, ipa DDNA test nila si CJ. Akala ko sa pelikula ko lang mapapanood mga ganito, nangyayari pala talaga sa totoong buhay?" Tuwang-tuwa pa ang loka.

Matapos nga namin mag-usap ay agad kong pinuntahan ang hotel na sinabi niya. Dating housekeeper si Fier dito kaya alam niya ang kwarto ni Dondon.

Sana nga lang nandito siya at nag-iisa, para hindi nakakahiya kung sakaling magalit siya sa ipagtatapat ko.

Kaya mo ito Joyce! Para kay CJ!

Pikit matang pagpapalakas ko sa loob ko bago pinindot ang door bell ng condo unit ni Dondon.

Kabadong kabado ako.

Pero laking gulat ko nang buksan niya nga ito. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatuwalya lang siya.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon