Chapter 16: Is this happiness?

749 18 1
                                    

Joyce's POV

"I am sorry to tell you this, masyado ng nag-enlarge ang dalawang kidney ng pasyente, we have to do the transplant as soon as possible bago pa tuluyang maapektuhan ang ibang organs niya." Nanghina ang tuhod ko nang marinig ang sinabi ng Doctor.

"Diyos ko." Mahigpit naman na nakakapit si Peter sa akin.

"Paano po kung hindi magawa ang transplant agad?" Tanong ni Peter.

"Maaaring mamatay ang pasyente." Sagot ng Doctor.

"H-Hindi." Umiiyak ko nang bulong.

"Joyce, huwag kang mag-alala hindi mawawala si CJ okay? Gagawin natin lahat okay?" Pagpapagaan ni Peter sa nararamdaman ko nang makaalis ang Doctor.

"P-Peter, hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko sa akin." Umiiyak na sagot ko.

Niyakap naman niya ako agad.

"Hindi siya mawawala." Bulong pa niya.

Nang kumalma na ako ay pinuntahan na namin si CJ habang mahimbing itong natutulog.

Kumirot na naman ang puso ko nang makita ang anak ko.

Napakabata pa niya para pagdaanan ang ganitong sakit.

"Patawarin mo si Mama anak, patawarin mo ako." Napaluha na ako habang sinasabi ang mga salitang ito.

"M-Mama." Agad ko naman pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang boses ni CJ.

"K-Kumusta pakiramdam mo anak? May masakit ba sa iyo?" Tanong ko na pilit tinatago ang lungkot sa isang pilit na ngiti.

"A-Ayos na ako Mama. Umuwi na po tayo, masyado pong mahal dito." Mas lalong kumirot ang puso ko sa narinig.
"Anak ano ka ba naman, huwag mo na isipin ang pera ha? Gagawa si Mama ng paraan anak." Sagot ko sa kan'ya.

"CJ, huwag kang mag-alala. Si Tito Peter ang bahala sa lahat, hindi ko kayo pababayaan." Ngumiti naman siya sa sinabi ni Peter.

"N-Nasaan po si Papa?" Tanong ni CJ.

Nagkatinginan naman kami ni Peter.

Don Cezar's POV

"Ano?!" Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni Gray.

"Wala po sila sa bahay nang dumating ako, at ang sabi ng babaeng andon, isinugod nila si CJ-

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin ko at nagmadali nang lumabas.

"Kumusta ang lagay niya?" Tanong ko kay Gray habang papunta kami sa ospital.

"Masyado na pong delikado ang lagay ng bata sir, kailangan ng masagawa ang transplant as soon as possible." Sagot niya.

Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya.

"Anong balita sa mga Doctor na pinatawag ng Papa?" Tanong ko.

"Minadali na po ng Chairman ang pagpunta nila, na resched na this friday ang surgery ni CJ." Nakahinga naman ako nang maluwag ng marinig ang sinabi ni Gray.

"Good, ipalipat mo sa VVIP ang room ni CJ, make sure hindi siya napapabayaan." Utos ko pa.

"Yes, sir." Sagot niya.

Nang makarating kami sa ospital ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ni CJ.

Papasok na sana ako nang bumukas ang pinto at lumabas si Joyce kasama ang lalaking nakita ko noong isang araw.

"D-Dondon." Bulong ni Joyce.

"Kumusta ang anak ko?" Tanong ko sa kan'ya nang mag-usap kami sa rooftop ng ospital.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon