Chapter 33: Reunited

754 18 1
                                    

Don Cezar's POV

Flashback

Umiiyak ako habang paakyat sa rooftop ng paaralan.

Mas gusto ko na lang tapusin ang buhay ko kesa magpa-alila sa kapatid ko na alam ko kahit kailan hindi ako matatanggap.

"Bakit hindi ka na lang din mamatay kagaya ng Mama mo? Total pareho kayong salot sa buhay ko." Sabi niya sa akin kanina.

Gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa dahil tama siya.

Salot ako sa buhay niya.

Kaya mas mabuting tapusin na lang ang walang kwenta kong buhay.

Tatalon na sana ako nang biglang may humila sa akin.

Iza.

Tama iyon ang pangalan niya.

"Ano bang ginagawa mo! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw niya nang makatayo na kami pareho.

Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko iyon pinahalata. Hindi ko akalain na makikita ko siya ulit ngayon.

Simula nang makita ko siyang niligtas ang bata mula sa masasamang kaedad namin, lihim ko na siyang hinangaan.

Kaya lang hindi ko na siya nakita pagkatapos.

Superhero ba siya? Iyong tipong biglang dadating kapag kailangan mo?

"Anong ginagawa mo?" Sa halip ay kalmadong tanong ko.

"Alam ko nasasaktan ka sa pagkawala ng Mama mo, lahat naman siguro magkakaganon. Pero hindi mo ba iniisip ang mararamdaman niya na nakikita ka niyang ganito?!" Para naman akong sinampal sa sinabi niya.

"Huwag mong sisirain ang buhay mo, dahil nasisiguro ko na iyon din ang gusto ng Mama mo na gawin mo." Dagdag pa niya saka akmang aalis na.

"Wala kang-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang bigla siyang mahimatay.

"Iza!" Sigaw ko saka siya binuhat.

Agad ko siyang dinala sa clinic nang paaralan.

"Mr. Cadenas, pinapatawag ka sa principal office." Sabi ng guard na nakasunod sa amin.

"Mamaya na, babantayan ko muna siya." Sagot ko sa guard.

"Halika-

"Sinabing mamaya na eh!" Sigaw ko sa guard saka siya tinulak.

"Aba't-

"Guard, ano ka ba. Mr. Cadenas, ako na ang bahala sa kan'ya. Pumunta ka na muna sa principal's office." Sabi ng nurse na nakaduty.

"Huwag niyo siyang pababayaan ha? Lagot kayo sa akin kapag may nangyaring masama sa kan'ya." Sabi ko saka sumama na sa guard.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon