Chapter 28: Protect her at all cost

653 19 1
                                    

Joyce's POV

Nang magising ako kinaumagahan ay narealize ko na medyo naging bastos ako kay Dondon kagabi.

At naalala ko na may pag-uusapan pala dapat kami.

Mas mabuting ako na magpunta sa opisina niya.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na nagkakagulo sila sa loob.
"Kawawa naman si sir Cezar."

"Grabe naman si President Mac, pupunta lang siya rito para gulpihin ang kapatid niya."

"Ano ba kayo! Baka kasalanan din ni sir Cezar. Huwag niyo naman sisihin si President pogi."

Narinig kong usap-usapan nang mga tauhan ni Dondon.

Nandoon nga ang kapatid niya.

Pogi rin ito, pero mas gwapo pa rin si Dondon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pogi rin ito, pero mas gwapo pa rin si Dondon.

Napailing ako sa isiping iyon.

Tumigil ka Joyce!

Nakita ko nang suntukin niya si Dondon.

Hindi siya maawat nila Gray at nang isang lalaking nakasalamin.

"At hanggang kailan mo ba ako sisisihin sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa? Oo sinuntok ko yung investor na yon. Aaminin ko! Pero ginawa ko lang yon dahil binastos niya ang-

"Kailan ka pa nagkaroon ng puso sa mga babae? Eh wala ka namang ginawa kundi mangkama ng babae gabi-gabi! Hindi mo man lang inisip na nakasalalay ang pangalan natin?! Nag-iisip ka ba ha!" Galit na sigaw ng kapatid ni Dondon.

Grabe siya. Halata na dahilan lang niya ang pangalan ng kumpanya. Ang totoo, naghahanap lang siya nang masisisi sa ginawa ng Papa niyang pambababae

"Wala naman akong pakialam sa pangalan ng kumpanya natin dahil hindi ko naman pag-aari iyon!" Ganting sigaw ni Dondon sa kan'ya.


Akmang susuntukin na naman niya si Dondon pero hindi na ako nakapagpigil at pumagitna na sa kanilang dalawa.

Halata ang gulat sa mukha nang kapatid ni Dondon.

Wari nagtatanong ang mga titig niya kung sino ako.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon