Chapter 30: Bring back memories

699 15 2
                                    

Joyce's POV

Nagulat ako sa ginawang paghalik ni Dondon sa akin.

Naramdaman ko na lang ang sobrang kabog ng dibdib ko.

At saka ko naalala ang unang araw na tumibok ito para sa kan'ya.

Flashback

"Nakakainis naman oh! Bakit lagi na lang akong nauutusan magtapon ng basura ng lintik na President namin na iyon! Porke mas maganda ako sa kan'ya ako na lagi niyang pinag-iinitan." Himutok ko habang nagtatapon ng basura sa likod ng paaralan namin.

Napaupo na lang ako sa isang maliit na upuan na nandoon saka pinagpag ang uniform ko.

"Lagot ako kay Mama neto. Bagong tahi pa naman 'to!" Reklamo ko pa.

Aalis na sana ako nang makarinig ako ng strum ng gitara.

Napakagandang pakinggan ng musika galing ata sa may puno ng mangga na nasa dulo lang din kung saan ako nandoon.

(Now playing: I love you too much)

I love you too much
To live without you loving me back
I love you too much
Heaven's my witness and this is a fact.

Mahilig ako sa music pero bakit parang ngayon ko lang napakinggan ang magandang kanta na ito?

I know I belong
When I sing this song
There's love above love and it's ours
'Cause I love you too much.

Napapikit pa ako dahil sa sobrang ganda ng boses niya.

Pero nagtaka ako nang wala nang sumunod.

Tumigil na ata siya sa pagkanta.

Nang dumilat ako ay nagulat ako nang nasa harap ko na siya.

"Ay palaka!"

Pero mas nagulat ako nang makita ang mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero mas nagulat ako nang makita ang mukha niya.

Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit.

Ang gwapo niya!

"Kanina ka pa ba diyan?" Seryosong tanong niya na mas lalong nagpagwapo sa maamo niyang mukha.

Hindi ko na alam ang isasagot dahil ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Dondon! Halika na!" Napatingin kami sa nagsalita.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon