Chapter 3: Play time with the heir

1K 23 0
                                    

(SPG Alert)

Don Cezar's POV

"Nasampal ka ng babae? Nagbibiro ka ba?". Kunware ay gulat na reaksyon ko nang malaman kong nasampal si Jacinth Jude ng babaeng nakasabay niya sa elevator.

Kahit ang totoo ay kanina pa ako natatawa dahil nakita ko naman iyon sa cctv na nasa laptop ko.

"Nagulat nga rin ako eh, I mean bukod sa nasampal niya ako tinawag pa niya akong bastos eh buti sana kung malaman ang dibdib niya." Bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.

"Babalik ka na ba agad sa Amerika?". Pag-iiba ko sa usapan.

"Oo, dumaan lang ako rito para tignan ang kalagayan mo at para humiling na rin sayo na dalaw-dalawin mo si Papa." Sumeryoso na rin ang mukha niya.

Napakabuting anak talaga ng isang ito. Kahit na kitang ginagamit lang ng Papa ang galing niya sa poker ay nagpapauto naman.

"Alam mo naman na hindi ako pumupunta sa bahay na iyon kung hindi ako pinapatawag, baka ano pa isipin ng Kuya mo." Sagot ko sa kan'ya habang naglalagay ng inumin sa baso namin at inabot ang isa sa kan'ya.

"Bakit? Ako lang ba ang kapatid niya? Huwag ka na lang kasi gagawa ng bagay na ikakagalit niya-

"Kahit wala tayong gawin, magagalit at magagalit siya, anak tayo sa labas eh." Putol ko sa sasabihin niya pa.

"Gagawin mo ba ang gusto ni Papa?" Dagdag ko pa.

"Ang mag-asawa sa loob ng isang buwan? Iyon ang gusto niya eh." Ngiting sagot pa ng loko.

Sabagay, lahat naman ng gusto ng Papa, ginagawa niya. Iyan na talaga siya— Ang huwarang anak ng Papa.

 Iyan na talaga siya— Ang huwarang anak ng Papa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bahala kayo ng Kuya mo mag-agawan sa mana. Basta ako, hindi ko gagawin ang gusto ng Papa. Hangga't maaari, iiwas ako sa inyo." Sagot ko sa kan'ya saka tinungga ang inumin.

"Gagawin ko ito dahil iyon ang gusto ng Papa. Baka kapag naunahan ko si Kuya, mapapansin niya na ako. Matatanggap na niya ako ng buo." Ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Hanggang ngayon umaasa pa rin siya na matatanggap siya ng buo ng pamilyang iyon.

Saka ko naman naalala ang sinabi ng Papa na bastardo rin ang Kuya Mac. Alam na kaya ito ni Jacinth? O ni Kuya Mac?

Pagkatapos nga ng usapan namin ni Jacinth Jude ay nagpaalam na rin siya para bumalik na ng Amerika.

Nararamdaman ko na ang tama ng inumin sa katawan ko.

Kaya kinuha ko na ang telepono.

"Yes, sir?" Tanong ni Gray nang masagot ang tawag ko.

"D-night." Tipid na sagot ko.

"Coming sir."

Agad akong nagbihis at bumaba na sa DC hotel. Isa ito sa hotel na nakapangalan sa akin.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon