Chapter 32: It's you.

713 19 0
                                    

Rated SPG

Don Cezar's POV

"Daddy, ang ganda naman po rito. Saka napakatahimik." Napangiti naman ako sa sinabi ni CJ.

Nandito na kasi kami ngayon sa private property ko kung saan nakahimlay ang libingan ng Mama.

"Dito nakatira ang Lola mo anak. I'm sure gusto ka niyang makilala." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.

Napangiti naman siya.

"Talaga Daddy? Pero bakit may dala kayong bulaklak, fried chicken at cake?" Inosenteng tanong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Talaga Daddy? Pero bakit may dala kayong bulaklak, fried chicken at cake?" Inosenteng tanong niya.

"Birthday niya kasi ngayon." Sagot ko.

"Sana po sinama natin si Mama."

"Don't worry, next time isasama natin siya." Nakangiti kong sagot sa kan'ya.

Ngiting agad din nawala nang makita ko ang Papa na nasa harap ng puntod ng Mama.

"Lolo." Napatingin naman sa amin ang Papa.

"Apo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Apo." Ngiting sabi niya saka lumapit sa amin.

Napansin ko rin ang bulaklak na dala niya.

Siya pala ang nag-iiwan ng bulaklak sa Mama?

"Lolo, nandito rin ba kayo para makita si Lola? Nasaan po siya?" Tanong ni CJ.

"Halika anak, ipapakilala kita sa Lola mo." Sabi ko sa kan'ya saka siya hinila papunta sa puntod ng Mama.

"P-Patay na po pala si Lola?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni CJ nang ipaliwanag ko sa kan'ya.

"Oo anak. Nasa heaven na siya, pero binabantayan niya pa rin tayo. And I'm sure, masaya siya ngayon kasi dinalaw mo siya." Nakangiti kong sabi sa kan'ya.

Maya-maya lang ay pinahatid ko muna si CJ sa kasama kong tauhan saka kinausap ang Papa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Bakit anak? Pati ba sa birthday ng Mama mo hindi rin ako pwedeng pumunta?" Sa halip ay tanong niya.

Hindi ako sumagot.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon