Chapter 13: I'll protect you

837 14 0
                                    

Don Cezar's POV

Nasa isang exclusive restaurant kami ngayon ng anak ko. Di ko alam kung anong gusto niya kaya pinaorder ko lahat ng pagkain nila.

"Pero sabi po ni Mama kagabi ayaw niyo raw sa akin." Napatingin ako sa kan'ya nang sabihin niya iyon.

"Sinabi niya iyon?" Nakakunot ang noong tanong ko.

Tumango naman siya.

Flashback

"Mama, sino po iyon?" Tanong ni CJ sa ina nang makauwi na sila.

"S-Siya ang papa mo anak." Sagot naman ni Joyce sa kan'ya sabay haplos sa buhok ni CJ.

"Bakit parang galit siya Mama? Ayaw niya ba sa akin?" Tila may kung anong kumislot sa puso ni Joyce nang marinig ang sinabi ng anak.

"H-Hindi naman sa ganoon anak, sabihin na lang natin na ayaw lang niya ngayon sa atin kasi bigla tayong dumating sa buhay niya, pero darating din ang time na matatanggap niya tayo okay?" Sagot ni Joyce sa anak.

"Kung ayaw niya talaga sa atin Mama, okay lang po. Hindi ko naman po ipipilit ang sarili ko sa kan'ya." Mapait namang napangiti si Joyce.

"Para ka talagang matanda kung magsalita. Magpahinga ka na okay?"

Tumango lang si CJ.

End of flashback

"Hindi ko po alam kung bakit ayaw niyo sa akin, pero gusto ko lang naman po may makilalang papa bago ako mamatay. Kahit iyon lang po ayos na ako." May kung ano akong naramdaman matapos marinig ang sinabi ni CJ.

Nakikita ko ang sarili ko sa kan'ya. Naghahanap ng isang ama, nang kalinga ng isang ama. Ito ang dahilan kaya nawala sa akin ang Mama. Dahil lagi kong hinahanap ang Ama ko noon.

Nang dumating siya sa buhay namin napalayo ako kay Mama. Hindi ko man lang nalaman ang tungkol sa sakit niya, wala man lang ako sa huling sandali ng buhay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka mamamatay. Gagawin ni Papa ang lahat para gumaling ka." Paninigurado ko sa kan'ya.

At di ko mawari ang nararamdaman nang makita kong kumislap ang mga mata niya saka siya ngumiti. Mga matang pamilyar sa akin. Mga matang nakikita ko kapag nakaharap ako sa salamin.

Hinatid ko na si CJ pagkatapos namin kumain.

Nagtitinginan naman ang mga tao nang bumaba kami ng sasakyan.

"CJ! Saan ka galing? Bakit wala ka sa school? May nambully na naman ba sa iyo?" May pag-aalalang salubong sa kan'ya ng isang lalaki.

"Tito Peter, okay lang po ako. Kasama ko po si Papa." Sagot naman ni CJ.

"P-Papa?" Tila gulat na sabi nito saka napatingin sa akin.

"Opo, siya po ang Papa ko." Natutuwa pang sagot ni CJ sa kan'ya.

Nakipagtitigan naman sa akin ang lalaking kausap ni CJ.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon