Chapter 7: The moon is beautiful, isn't it?

918 19 0
                                    

Peter's POV

Tahimik lang kami habang naglalakad ni Joyce.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa sinabi ng tarantadong iyon kanina.

"Peter, bakit ganoon? Kasalanan ba talagang mabuntis ng maaga? Kasalanan bang maging ina ng maaga?" Nakayukong sabi niya.

Bumuntong hininga naman ako saka pumunta sa harap niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para patigilin siya sa paglalakad.

Saka ko hinarap sa akin ang maganda niyang mukha. Umiiyak siya, umiiyak na naman siya.

"Kahit kailan hindi masamang naging ina ka ng maaga. Hindi masamang namulat ka kaagad sa matinding responsibilidad sa buhay. Ang masama ay iyong naging duwag ka, at imbes na manindigan pinili mong takasan ang problema. Isipin mo nga, kung hindi mo pinanindigan ang desisyon mo, magiging masaya ka ba kung walang CJ sa buhay mo?" Mahabang litanya ko sa kan'ya.

Mas lalo naman siyang napaiyak.

"Sana hindi na lang ako ang naging Ina niya, wala akong kwenta Peter hindi ko man lang siya mabigyan ng maayos na buhay. Nagkasakit pa siya ng malubha, wala akong—

"Huwag mong sabihin iyan, ano na lang ang mararamdaman ni CJ kapag narinig niya iyan? Matalino ang anak mo Joyce. Lagi niyang iniisip kong paano siya hindi magiging pabigat sa iyo. Kaya please lang, lumaban ka pa. Kasi lumalaban din siya." Napahinto naman siya sa pag-iyak dahil sa sinabi ko.

Niyakap ko naman agad siya.

"Andito lang ako para sa inyo ni CJ, kung wala mang lalaki na tatanggap sa inyo, tandaan mo lang na nandito ako." Bulong ko sa kan'ya.

"Salamat Peter." Tanging sagot niya.

"Teka, halika." Sabi ko nang makakalas sa pagkakayakap sa kan'ya.
"Saan?" Tanong niya habang pinupunasan ang mga luha.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kan'ya.

Joyce's POV

Nagulat ako nang dalhin ako ni Peter sa napakagandang bahay.

"Teka, Peter nasaan tayo? Kaninong bahay ito? Baka ma trespassing tayo" Tanong ko sa kan'ya.

"Huwag kang mag-alala, sa pinsan ko ito. Wala siya ngayon dito, pinababantayan niya sa akin ang bahay na ito. Tayo na sa loob." Nakangiting sagot niya.

Nag-aalangan man ay pumasok pa rin ako sa loob.

Napakaganda ng bahay, at mas humanga ako nang makapasok sa loob.

Grabe, hindi pa ako nakakapasok sa ganito ka garang bahay.

"Sigurado ka bang okay lang talaga?" Tanong ko ulit sa kan'ya.

"Oo nga po." Sabi niya saka ako hinila sa kung saan.

Nang buksan niya ang malaking sliding door ay tumambad sa harap ko ang napakagandang buwan na kitang-kita sa balkunaheng iyon.

Nang buksan niya ang malaking sliding door ay tumambad sa harap ko ang napakagandang buwan na kitang-kita sa balkunaheng iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon