Chapter 22: Kidnap

713 16 7
                                    

Don Cezar's POV

Sasagot na sana ako sa sinabi ni Gray nang mapansin kong nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa side mirror ng sasakyan.

Agad ko namang tinignan ang tinitignan niya.

Saka ko nakita nang buhatin ng mga lalaking nakasakay sa puting van ang katawan ni Joyce.

"Joyce." Bulong ko.

Agad kumaripas ng alis ang sasakyan.

"Sundan mo!" Sigaw na utos ko kay Gray.

"Yes, sir!" Sagot ni Gray.

"Team omega, sundan niyo ang tracking device ng kotse ko ngayon. Kinidnap si Maam Joyce, ihanda ang mga—

Kinuha ko ang cellphone ni Gray saka iyon pinatay.

"Bakit po sir?"

"Nakita ko ang isang nasa sasakyan. Member ng kalabang gang namin iyon noon, ipatawag mo ang mga bodyguards ko sa D-night office natin. Hindi ito pwedeng malaman ng Papa." Utos ko sa kan'ya.

Tumango naman si Gray.

Nang ibalik ko sa kan'ya ang cellphone niya ay agad nga niyang ginawa ang utos ko.

"Team Alpha, kailangan kayo ngayon ni sir Cezar. Code red, sundan niyo ang tracking device ko." Sabi ni Gray.

"Copy that sir." Narinig kong sagot ng tauhan ko.

Ang Team Alpha na mga bodyguards ko ay ang ilang member ng gang na pinamumunuan ko dati.

Sa mga ganitong sitwasyon ko lang sila pinapatawag dahil hindi sila kilala ng Papa.

Siguradong matatanggal sila sa trabaho kapag nalaman ng papa ang tungkol sa kanila.

"Sir, nasa sampu lang po ang team alpha natin. Sigurado po ba kayo na sila ang ipapadala natin?" Tanong ni Gray.

"Huwag kang mag-alala, parang higit pa sa sampu ang kasama natin kapag sila ang sinama natin." Mahinahon kong sagot sa kan'ya.

"Tawagan mo ang Chairman ng ospital, ipasigurado mo na walang makakaalam ng kidnapping incident na ito. Kapag lumabas ito, mawawalan siya ng trabaho." Dagdag ko pa.

"Yes, sir."

Nakuyom ko naman ang kamao ko.

Sisiguraduhin ko na mananagot sa akin ang gumawa nito kay Joyce.

Peter's POV

"Tito Peter, wala pa rin po ba si Mama?" Tanong ni CJ nang magising na ito.

"H-Ha? A-Ahh, nagtext siya sa akin may problema lang sa trabaho niya kaya hindi pa siya makapunta rito." Palusot ko na lang kahit ang totoo pati ako hindi sigurado kung nasaan si Joyce.

"Hindi ko po ba siya makikita bago ang surgery ko?" Tanong pa niya.

Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto.

"CJ, kumusta? Pasensya ka na ngayon lang ako nagpunta rito." Sabi ni Aling Yang.

"Aling Yang, mabuti nandito na kayo. Kayo munang bahala kay CJ, hahanapin ko lang si Joyce."

Nang tumango si Aling Yang ay agad akong umalis.

Palabas na ako nang ospital nang makita ko si Joyce na kababa lang ng isang magarang sasakyan.

Kausap pa niya iyong assistant ni Gray.

Pinopormahan ba niya si Joyce?

Pangiti-ngiti pa ang mokong.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon