Chapter 14: Marry her

833 14 0
                                    

Joyce's POV

"Po?!" Gulat na sabi ko nang sabihin ng HR Manager kung saan ako maaassign.

"Yes, at huwag ka ng tumanggi, kailangan namin ng tao ngayon na magiging branch manager ng convenience store na iyon. At since, galing ka na doon at matagal ka pang nagtrabaho, ay ikaw ang gusto kong ma assign doon." Paliwanag pa ng babaeng kahit may edad na ay napaghahalataan pa rin ang pagkasopistikada nito.

At wala na nga akong nagawa pa ng ipadala na nga ako sa dati kong pinagtatrabahuan.

"OMG! Talaga?! Ikaw na ang bagong manager namin?!" Kahit si Fier ay nagulat din sa sinabi ko.

"Oo, Bes. Eh kasi daw nilipat nila yung Manager natin sa ibang lugar kaya nabakante 'tong bagong bili nila na convenience store, and since matagal din akong nagtrabaho dito, ako na ang ginawang kapalit niya. Hindi nga rin ako makapaniwala eh." Sagot ko sa kan'ya.

"Iyon nga rinig ko eh. Alam mo ba nagpunta pa nga raw dito iyong mismong may-ari ng kumpanya ninyo para lang patalsikin iyong asungot nating manager!" Kwento pa nito.

"Ang CEO mismo? Hindi ko pa siya nakikita sa personal eh."

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ha?" Napatingin naman kami sa bagong pasok— Si Peter.

"Talagang matutuwa ka Peter! Si Joyce branch manager na namin!" Naunahan pa ako ni Fier sa pagsasabi sa Bespren ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Talagang matutuwa ka Peter! Si Joyce branch manager na namin!" Naunahan pa ako ni Fier sa pagsasabi sa Bespren ko.

"Talaga?! Wow! Sa wakas napansin na rin nila ang talento mo!" Tuwang-tuwang sabi niya.

"Nakachamba lang ako! Teka, nasundo mo ba si CJ?" Tanong ko.

Bahagya namang nawala ang ngiti niya.

"O-Oo, nasa bahay na siya." Pero agad din bumalik ito.

Napangiti naman ako.

"Salamat Peter, the best ka talaga!" Napathumbs-up pa ako.

"Ay naku! Wait lang ha? Kasi nandito pa ako! Naglalandian na naman kayo!" Singit ni Fier.

Natawa naman ako.

"Ano ka ba Fier! Kung ano iniisip mo." Suway ko sa kan'ya.

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo magpakasal? Pareho naman kayong singgol hindi ba? Saka may chemistry naman kayong dalawa?" Pangrereto pa ng baliw.

"Tumigil ka na! Tayo na nga Peter kung ano pa sinasabi nito. Huwag kang malalate bukas ha? Kahit kaibigan kita, irereport pa rin kita." Pananakot ko pa sa kan'ya.

"Yes, Madam." Sagot pa ng bruha.

Peter's POV

Mataman ko lang pinagmamasdan si Joyce habang nagkukwento siya sa akin ng tungkol sa promotion niya.

"Ang saya ko talaga Peter, siguro naman makakaipon na ako nito para sa dialysis ni CJ." Kumikislap ang mga matang sabi niya.

"Huwag kang mag-alala, nandito ako kung sakaling kulangin ang budget mo." Sagot ko pa.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon