Chapter 19: Almost

751 17 0
                                    

Joyce's POV

"Bukas ng gabi na ang operasyon ng pasyente Chairman, huwag kayong mag-alala, magagaling po ang mga Doctor na pinili ko at maging ang mga Doctor natin sa ibang bansa na kasali rin sa mag-oopera kay CJ. Nasisiguro ko sa inyo na may 100% chance tayo na magiging successful ang operasyon." Narinig kong sabi ng Doctor sa Papa ni Dondon.

Nandito siya ngayon at dinalaw si CJ.

"Siguraduhin mo iyan, alam mo naman kung sino ang ooperahan ninyo. Kapag may nangyari sa apo ko, mawawalan ka ng trabaho at maging ang mga doctor na mag-oopera sa apo ko, tatanggalan ko ng lisensya." Pananakot pa nito sa kausap na Doctor.

Halata namang kinakabahan ito.

"Y-Yes, Chairman." Nakayukong sagot nito.

"Mama, nakakatakot naman po si Lolo." Napatingin naman ako nang bumulong si CJ.

"Ayaw lang niya na may mangyaring hindi maganda sa iyo anak, mabuting tao ang Lolo mo." Sagot ko sa kan'ya sabay haplos sa buhok niya.

"CJ apo, huwag kang mag-alala ha? Gagawin ni Lolo ang lahat para gumaling ka." Nakangiting sabi nito nang makalapit na pala sa amin ni CJ.

"S-Salamat po." Nahihiyang sagot naman ng anak ko.

"Iha, pwede ka bang makausap sandali?" Sabi niya sa akin.

Medyo kinabahan naman ako.

Sasabihin na ba niya na sa akin na ang kapalit ng lahat ng ito ay ang pagkuha niya sa anak ko?

Habang hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ay napatingin ako kay Peter nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kung gusto niyo po siyang makausap, ay dapat kasama ako." Singit ni Peter.

"At sino ka naman?" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ng Papa ni Dondon.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginawa ni Peter.

Pero hindi ko siya dapat isama sa problema kong ito dahil masyado ko na siyang naaabala.

"Ako ang-

"Doon po tayo sa rooftop mag-usap, kung okay lang po sa inyo." Putol ko sa sasabihin sana ni Peter.

Napatingin naman sa akin si Peter na para bang nagtataka siya sa sinabi ko. Nginitian ko naman siya.

"Ikaw na muna bahala kay CJ ha?" Sabi ko bago kami umalis.

Nang nasa roof top na kami ng hospital ay hindi ko naman malaman kung ano ang sasabihin ko.

"Kaya kita gustong makausap, ay para makahingi ako ng pabor sa iyo." Pagbasag ng Chairman sa katahimikan namin pareho.

"K-Kukunin niyo po ba si CJ sa akin? Iyan po ba ang kapalit?" Tanong ko sa kan'ya.

Mahahalata na medyo nagulat siya sa sinabi ko.

Saka siya bahagyang natawa.

"Kung ikaw sana ang babaeng nabuntis ng anak kong si Mac Romer o Jacinth Jude, ay sigurado akong ganoon nga ang gagawin ko." Sagot niya.

"Kaso hindi, ikaw ang ina ng apo ko. Alam ko na hindi niyo sinasadya na dalhin si CJ sa mundong ito. Pero hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, iha. Ang mga mata ni CJ, ganoon din ang mga mata ni Cezar at..." Pansamantala siyang tumigil.

Naiiyak ba siya?

"At ganoon din ang mga mata ng babaeng minahal at tanging minamahal ko lang, ang ina ni Cezar." Napayuko naman siya at kinuha ang panyo sa bulsa saka ito pinunas sa kan'yang mga mata.

The Virgin-Wrecker Billionaire (Billionaire Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon