Chapter 24: Collateral Damage

1K 103 57
                                    

Magkasunod na tumatakbo ang mga truck ng basura sa kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Magkasunod na tumatakbo ang mga truck ng basura sa kalsada. Isang maneho ni Jack na sinusundan ang kay Dodong. Sa likuran, sa cargo bed, nakasakay ang iba. Kitang nagkalat ang mga zombies sa paligid at nang dumaan sila'y naglingunan ang mga ito't humabol sa kanila. Mabubundol ni Dodong ang zombie na haharang—isang lolo. Matatalsikan ng dugo ang windshield.

"5 points!" sigaw ni Dodong na humahalkhak sa saya at in-on ang wipers. Tapos ay sinagasaan niya ang lalaking zombie na MMDA na umaakting pa na nagta-trapik. "10 points!"

Napataas kilay ni Josie na nakaupo sa gitna nila ni Dr. Morelos na nasa may bintana. May isa pa na haharang na zombie—isang madre. Nang makita siya ni Dodong ay inapakan ng gang leader ang selinyador para bumilis. Tumalsik ang madreng zombie at sa gulat nina Pol at Babe na nasa likuran ay bumagsak ito sa gilid ng cargo bed, nakasampa ang mga kamay, at nilisikan sila. Napatili si Babe. Tinadyakan ni Pol ang zombie na nahulog at nasagasaan pa ng truck ni Jack.

BWAHAHAHAHAHA! Tawang kontra-bida ni Dodong habang nagd-drive. "20 points!"

"Ayos lang trip mo eh ano?"pagtaray ni Josie sa kanya.

Tumingin si Dodong sa nurse at nagulat.

"M-may tato ka pala..." ngiti niya. Nakita niyang may tato si Josie sa likuran ng leeg.

"O, eh ano naman? Ikaw lang ba me karapatang magka-tato?"

"Trip kong mga babae na me tato."

Napaindak si Josie, at namula.

"Ilibre kita ng tato, gusto mo?"

"Ha? Kelan naman?" pakipot na sabi ni Josie.

"Ikaw bahala..." pa-cute na sabi ni Dodong.

Nagpalitan sila ng mga ngiti, at nagulat nang sumigaw ni Dr. Morelos.

"Zombie!"

Sa gitna ng kalsada ay nasagasaan nila ang buntis na babae. At naramdaman pa nilang nagulungan nila ito.

"Oh, shit!" gulat na sabi ni Josie. Gulat din si Dodong.

"50 points!" sigaw ni Dr. Morelos.

Samantala, sa truck nila Jack:

"Nakalabas kayo sa simbahan?" kausap ni Tess si Isko sa telepono. "Okay sige, kuya!"

Masayang binaba ni Tess ang cellphone.

"Ligtas na sila. Sakay daw sila sa bus," aniya. "Papunta na sila sa tulay. Naroon daw ang mga pulis!"

"YES! YESSS!" pag-apir nina Jack at Berto.

Niliko ni Jack ang manibela papunta sa tulay.

***

Ang hindi nila alam ay nagkakagulo na sa mga barricade. Mga taong gustong makalabas pero pinipigilan ng military at pulis. Binabato ng mga tao ang riot police at sila'y pinaghahampas ng mga batuta. Nagliparan ang tear gas at napuno ng usok ang mga kalye.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon