Chapter 20: Piyesta ng Mga Zombies

1.1K 112 9
                                    

"Sa simbahan, magpadala kayo dito ng rescue!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa simbahan, magpadala kayo dito ng rescue!

Dinig nila Raul na sabi ni Mayor sa telepono. Sa lumipas na oras ay bihag ng takot ang mga nasa loob ng simbahan, iniisip kung hanggang kailan sila magiging ligtas. Hindi man sila mapasok ng zombies ay paano ang pagkain nila sa darating na mga araw? Paano ang tubig? Paano ang gatas ng mga sanggol? Ang gamot ng matatanda? Hindi lang iyon. Paano sila maliligo? Paano ang bihisan nila? Paano kung magbara ang kubeta?

Kaya't ganon na lang ang pagkabuhay ng loob ng mga tao na malaman na ire-rescue si Mayor. Ang mga bulungan:

Si Mayor 'yan noh, siguro naman uunahin 'yan ng military!
Si Mayor pa! Eh ang daming koneksyon n'yan!
Malamang magpadala pa ng helicopter!

Pakiramdam ng lahat na sinuwerte sila na nagkataon na may kasama silang importanteng tao, dahil kung hindi:

Tingin n'yo ba ililigtas tayo ng gobyerno kung wala si Mayor?
Buti kamo nand'yan si Mayor, sino ba naman tayo para pagaksayahan ng panahon!
Malamang binomba na tayo!

Bukod doon, malakas ang loob ng marami na maliligtas sila pagka't nariyan ang babaeng reporter at kanyang cameraman. Alam ng lahat ang kapangyarihan ng media.

"Salamat naman at mare-rescue tayo," sabi ni Lilibeth.

"Eh, 'Tay, pano sina Tiyo Jack?" tanong ni Buboy.

"Huwag kang mag-alala, anak," sabi ni Raul. "Kaya nila Tiyo Jack mo ang mga sarili nila."

"Dapat pala sumama ako sa kanila."

"Bakit?"

"Eh 'di ba sa mga rescue kailangan nila nung maliit na miyembro?" ani ng 12-year old na bata. "Kunwari kelangan pumasok sa masisikip na lusutan, tagabukas ng pintuan, ako yun!"

"Ikaw, Buboy ha, kung anu-ano na naman iniisip mo," pagalit ng kanyang ina. "Kalimutan mo na 'yang pagiging gangster-gangster na 'yan! Walang madudulot na mabuti 'yan!"

"Eh sa'n pa ba ko magaling, 'Nay?"

Napaisip si Lilibeth, at nang walang maisagot, "Nagdadahilan ka pa."

"Nakita n'yo nga nilabanan nila Tiyo Jack 'yung mga zombies! Tumulong pa sila sa mga tao! Hindi lahat ng gangster masasamang tao!"

"Parang si Robin Hood!" ngiti ni Isko.

"Sino 'yun?"

Nagkatinginan sina Raul at Isko.

"Parang gangster noong unang panahon," paliwanag ni Isko. "Nagnanakaw sa mayaman para magbigay sa mahihirap."

Nagliwanag mukha ng bata.

"O tan'yo!"

"Sana kung mayayaman lang ang ninanakawan ng tiyuhin mo," sabi ni Lilibeth. "Eh kahit sino ginagantso..."

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon