Chapter 27: Survivors

1K 107 35
                                    

5:30 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5:30 PM

Mababa na ang araw. Kanyang liwanag ay nagsimula nang magtago sa likuran ng mga kabahayan at gusali, sa Kanluran kung saan siya hihimlay. Naglabasan ang mga ibon para panoorin ang huling patak ng liwanag at nagdapuan sa mga kawad ng kuryente para rin sa huling patak ng kanilang pagdumi. Puting marka sa salamin ng mga sasakyan at parang pintura sa daan kung saan ang mga asong ligaw ay nagsipagsulputan din para kumain, at ang kanilang hapunan ay mga bangkay, iba'y dati nilang mga amo. Nagaagawan sa mga buto, naghihilahan sa mga bituka at naggigirian sa atay at lamang-loob.

May tatlong klase ng biktima sa pandemnyang ito: isa ay ang mga nakagat at naging zombies, ikalawa ay ang mga namatay dahil kinain ng zombies, sa paraang ito kailangang makain ang utak, at ikatlo ay ang namatay na hindi kagagawan ng zombies: ang mga naaksidente, inatake sa puso at ibang karamdaman, mga nagpakamatay, at ang mga pinatay ng kapuwa. Ang populasyon ng Pilipinas ay nasa 110 million, ang Metro Manila nasa 12.8 million, ang Manila 1.78, ang Tondo 631 thousand—1/3 ng kabuuan ng lungsod ng Maynila. Tondo ang pinakamasikip at pinakamataong distrito. Libo-libong mamamayang Pilipino, mga residente ng Tondo ang biktima na sa zombie virus. Libo-libo pa ang nagtatago, nagaantay ng saklolo, habang ang iba'y makikipaglaban para mabuhay. Ang mga survivors.

Sa pakikipaglaban ng mga survivors ang dating magkakaaway ay nagkakabati. Ang hindi magkakakilala ay nagiging malapit sa isa't-isa. Bata, matanda. Walang mayaman. Walang ring mahirap. Lahat ay pantay-pantay. Ke mayor ka man o isa lamang street vendor, para mabuhay ay dapat na magtulungan. Ang sigaw ng lahat: Para sa Tondo!

Ito po si Karen Bulan, naguulat para sa alas-singko y medya news report.

Nag-thumbs up ang camera man habang binaba ni Karen ang kanyang microphone. Nasa likuran sila ng truck ng basura na puno ng mga survivors kasama na sina Raul, Lilibeth, Buboy, Tess, Mayor, Bodyguard, Councilor Jhun-Jhun, Father, Boy Herpes, Pol, tatlong nurses, Freda and friends, Tambay, mga street vendors, at iba pa. Maneho ito ni Dodong katabi sina Josie at Dr. Morelos.

At si Jack? Hayun at nakasampang mga kamay sa likuran ng truck at malayo ang tinatanaw. Bagsak pa rin ang mukha sa lungkot sa pagkawala ni Berto.

Nakita siya ni Tess at nilapitan.

"Jack..." pagsandal ni Tess sa gilid ni Jack. Mabaho sa likuran ng truck ng basura at kanya-kanya sila ng takip sa ilong at bibig. Sina Jack, Tess at iba pang galing ospital ay suot pang mga face mask nila, ang iba'y gamit ay panyo o kaya'y t-shirt. Ang iba'y sadyang sanay lang sa amoy.

"Tess..." malungkot na bati ni Jack na hindi tumitingin. Nakatutok ang mga mata sa iniiwan nilang kalsada. Nagpipigil ng mga luha.

Hindi alam ni Tess ang tiyak na sasabihin. Pero kung may makakaintindi sa nararamdaman ni Jack ay ang nurse na nawalan din ng mahal sa buhay, ang kanyang kapatid na si Isko. Ipinaalam niyang nakikidalamhati siya't hinawakan si Jack sa kamay at hinimas ang braso nito. Kinilig si Jack at agad na tumaas ang kanyang mga balahibo. Bumilis ang pintig ng puso niya. Umakyat ang dugo sa kanyang ulo, lumabas ang mga ugat sa leeg at siya'y nanigas.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon