Chapter 30: Decontamination

954 96 25
                                    

7:15 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7:15 PM

Malalim ang hithit ni General Batumbakal sa kanyang tabako. Ang baga nito'y pulang ilaw sa gabi. Bumuga siya ng makapal na puting usok habang pinagmasdan mula sa kanyang kinatatayuan sa barikadang tulay ang paglilikas ng mga pulis at sundalo sa mga survivors ng bumalandrang truck ng basura sa madilim na lote. Ni-radyo sa kanya ni Colonel na naroon sa baba na may nasawi nang paputukan ng mga snipers ang truck, isang importanteng tao.

"Confirmed, general," paglapit ni Colonel.

Kumunot ang noo ng may edarang heneral, napaindak ang ulo't nagpakawala ng malutong na:

"Shit!"

Nasawi sa engkwentro ang Mayor ng Manila. Dead-on-the-spot. Bagama't naniniwala naman ang heneral na justified ang kanyang ginawang aksyon, alam niyang katakot-takot na imbestigasyon ang kasunod nito, malamang na may Senate hearing pa.

"Anong gagawin natin, sir?" tanong ni Colonel.

"Alam mo naman ang mga pulitikong ito, galit sa mga naka-uniporme," may gigil na sabi ni General Batumbakal. "Akala nila lagi eh pinepersonal sila."

Dumating ang isang sundalo na dala ang video camera.

"Na-recover namin ito," turo ni Colonel. "May problema pang isa, may dalawang media na kasama sa mga survivors."

"Putangina!" 'di napigilang napamura ang heneral. "Alam mo nang gagawin mo. SOP natin."

Sumaludo ang colonel, "Yes, sir!"

At naglakad paalis kasamang sundalo na bitbit ang video camera.

#

"Sa'n n'yo kami dadalhin?" malakas na sabi ni Lilibeth.

Hawak niya sa kamay si Boyet habang ini-escortan, kasama ng iba pang mga survivors, ng mga armadong sundalog mga naka-face mask at face shield tungo sa isang maliwanag na building. Nasa magkabila nila'y hilera ng mga sundalo na panay ang senyas sa kanila na maglakad kung kaya't wala sa kanila ang makakalihis ng daan.

"May mga rights kami noh!" sigaw ni Councilor Jhun-Jhun na kasabayan sina Freda at iba pang beauticians. "Isa akong konshela!"

"Media naman kami!" taas ng kamay ni Karen Bulan kasamang camera man niya. "'Yung camera namin, kinonfiscate n'yo! Private property 'yon!"

Hindi siya binigyang pansin ng mga sundalo, kundi'y pinagmadali pa sa paglalakad.

"Doon!" turo ng sundalo na may rango. "Para sa decontamination."

"Decontamination? Ano 'yonnn?" dilat ni Freda at tumingin sa likuran niya kung saan sumusunod ng lakad sina Tess, Dok, mga nurses at iba pang mga tao galing sa truck ng basura. "Tess! Ano 'yong sinasabi nila?"

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon