END CREDITS

851 88 26
                                    

Cast of Characters (in order of appearance)

Padyak Driver #1 na may lumang radyo
Padyak Driver #2 na nakasalubong ni Padyak Driver #1
Raul bidang barangay tanod
Isko tanod na bestpren ni Raul
Magtataho isa sa trio ng street vendors
Lola Zumba sa park
Freda kamuka ni Freddie Mercury na beautician
Mareyah malit na baklang malaki ang boses
Beyanse malaking baklang maliit ang boses
Mr. Chang hayup na instik
Aso ni Mr. Chang hayup ng instik
Jack Dilat lider Anak ng Bote Gang
Bertong Basag-Ulo enforcer ng Anak ng Bote Gang
Boy Herpes (Hermes!) miyembro ng Anak ng Bote Gang
Boy Tulo miyembro ng Anak ng Bote Gang
Buboy anak ni Raul
Lilibeth asawa ni Raul
Dr. Morelos duktor sa ospital
Andoy Patient X/Zero
Tess nurse na love interes ni Jack
Josie nurse na bespren ni Tess
Delivery Boy ng bulaklak
Dodong Krus lider ng Patapon Gang
Totoy Bato durugista ng Patapon Gang
Pol tagatato ng Patapon Gang
Domeng masel ng Patapon Gang
Gardong Grasa taong grasa
Marvin miyembro ng Patapon Gang
Policeman #1 humuli kay Andoy
Policeman #2 humuli rin kay Andoy
Lt. Heherson "Hepe" Pecson station commander ng Tondo Police Station 3.5 
Policeman #3 Tiktok jailguard
ER nurse #1 nurse
ER nurse #2 nurse
Sikyo sa ER
ICU nurse matabang nurse ng ICU
Lola Diyosmiyo nagbigay ng pera
Canto at Tan mga barangay tanod
Labatiti at Bayagbag mga barangay tanod
Binibing Rocha at Binibining Bagong-Gahasa mga barangay tanod
Amador da embalsamador
Tambay na mukhang pera
Benson lab technician
Dr. Ravani Pakistaning duktor ng CDC
Manang Janitress sa morgue
Pokpok #1 sa selda
Pokpok #2 sa selda
Pokpok #3 sa selda
Pokpok #4 sa selda
Pokpok #5 sa selda
Guard Bulawan night guard sa ospital
Presidente ng Pilipinas
General Batumbakal commanding general sa ground zero
Mayor ng Maynila
Bodyguard ni Mayor
Driver ni Mayor
Councilor Jhun-Jhun nag-out na konsehal ng Tondo
Father matandang parish priest ng simbahan
Shokera blonde na baklang beautician
Lola Walker palamurang matanda
Binatang Tanod na tumulong kay Lola Walker na makatawid
Karen Bulan reporter
Cameraman ni Karen
Anchorwoman sa TV
Televangelist sa TV
Duktor sa TV
Military Spokeman sa TV
Colonel kanang kamay ni General Batumbakal
Nurse Glydel malanding nurse
Nurse Priscilla malanding nurse
Nurse Babe tabaing malanding nurse
Magmamani isa sa trio ng street vendors
Siga na kasama ng tambay
Metalhead na kasama ng tambay
Kardong Kindat zombie na palakindat
Boyong Bungal zombie na bungi
Kokoy Kamot zombie na palakamot
Estong Ebak zombie na palatae
Tsuper ng escape bus
Mambibinatog isa sa trio ng street vendors
Sniper #1 sa building
Sniper #2 sa building
Buntis na survivor
Lola na survivor
Lolo na survivor na takot sa heights
Tatay ni Jack sa flashback
Nanay ni Jack sa flashback
Boyet na-rescue na batang kakilala ni Buboy
Tuting aso ni Mang Gusting
Mga Bata sa School na ni-rescue
Matabang Bata isa sa mga ni-rescue
Duktor sa Quarantine Ward
Masungit na Nurse sa Quarantine Ward
Bumbero #1 sa barricade
Bumbero #2 sa barricade

#

Nagkalat ang mga basura sa Tondo.

Dahil sa kawalan ng mga basurero dahil marami sa kanila ang nakahanap ng ibang trabaho nang magkaroon ng maraming job openings, ay hindi na nakokolekta ang mga basura. Kung kaya naman tuwang-tuwa na naman ang mga asong kalye sa pangangalkal sa mga tambakan. Lalo na sa palengke, kung saan pinagkaguluhan nila ang mga naiwang pagkain, iba'y nabubulok na sa tagal.

Nguni't ang kasiyahan nila'y biglang mapuputol.

Nang biglang may sumulpot at tumakot sa kanila. Sanay ang mga aso sa mabaho, pero hindi ang nilalang na ito.

Si Gardong Grasa.

Nagtakbuhan ang mga aso nang bulagain sila ng taong grasa.

Natuwa si Gardo na masosolo niya ang bundok ng basura. Sa kanyang mga mata, ito'y heaven. Sinimulan niyang mangalkal at inuna ang mga nilalangaw na styro ng pagkain kung saan sinimot niya ang tirang mga pagkain. Sinunod niya ang mga tinapon na dilata at isa-isang dinilaan ang loob ng mga ito. Tapos ay ang mga bukas na bote ng softdrinks na kanyang panulak, binalewala ang mga kung anong bagay na nagswi-swimming na sa loob. Hinalungkat niya ang mga plastic at mga karton na para bang sumisisid siya sa ilalim ng tubig...o imburnal.

At sa ilalim ng mga basura nakita niya ang karton. Nagtaka siya kung anong laman niyon. At nang kanyang buksan ay sumingaw ang mabahong amoy na sa kanya'y halimuyak.

Amoy ng hilaw na karne.

Nanlaki ang mga mata ni Gardo.

Napatingin pa siya sa langit na para bang nagt-thank you kay Lord.

Sa kanyang mga kamay ang malaking tipak ng karne.

Pinagpag niya ang mga uuod na namugad na sa karne at hinawakan ang tipak na parang ginto. Ang laway niya ay tumulo hanggang sahig habang ang kanyang dila'y wumagayway na para bang may sariling buhay. Bumuwelo si Gardo at kakagatin na lamang niya ang karne nang siya'y may maamoy.

Lumingon siya at nakitang may asong nakatingin sa kanya.

Ang aso ni Mr. Chang.

"TSUUUUUUUU!" pagbugaw sa aso ni Gardo, humigpit ang kapit sa karne na kanyang nilapit sa kanyang dibdib, isang akto ng pagdadamot. "TSUUUUUUUUU!"

Nguni't hindi natakot ang aso sa kanya, bagkus ay tumingin pa ito na may pagtataka at pagkilala. Nagtaka si Gardo at napakamot sa makapal niyang buhok, at nang gawin niya iyon ay nabulabog ang kanyang mga kuto. Mga nagsipagtalunan na parang nasa trampoline. Hindi mawari ng taong grasa kung bakit hindi natakot sa kanya ang isang asong ito. Nakatingin lang sa kanya ang aso ni Mr. Chang.

"F....friend?" may alinlangang sabi ni Gardo sa aso at ipinakita ang karne.

Kumahol ang aso. Pagkatapos ay lumapit nang bahagya at maamong naupo't nilabas ang dila.

Nagliwanag ang mga mata ni Gardo. Lumabas naman ang kanyang naninilaw at itim na mga ngipin.

"FRIEEEEEEND!" ngiti niya.

Pumilas siya ng maliit na karne at inalok iyon.

Lumapit ang aso at kinain ang karne.

"FRIEEEEEENDDDD!" mas malakas na sabi ni Gardo.

Hinimas niyang ulo ng aso at siya'y dinilaan sa pisngi at siya'y nakiliti't humagikhik. Bahagyang nalinis ang dumi sa kanyang mukha. Pumilas pa siya ng karne at ibinigay sa aso at pumilas rin ng para sa kanya habang masayang inuulit-ulit ang "frieeeeend." Nagsalitan sila ng kagat sa karne hanggang sa iyon ay maubos nila, pagkatapos ay sabay silang naghalungkat sa basura ng kanilang dessert.

At simula noon hindi na sila naghiwalay pa.

Habang nagkalat ang mga basura sa kanilang paghahalungkat, sa tabi, mababasa ang karton na pinaglagyan ng kinain nilang karne.

At nakatatak roon ang Made in China.

WAKAS NA TALAGA.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon