Chapter 10: Pagsapit ng Gabi...sa Morgue

1.2K 127 17
                                    

Nasa basement ng ospital ang morgue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa basement ng ospital ang morgue. May kadilimang kuwarto na may hilera ng mga metal na higaan ng mga patay. Nar'yan ang refrigerating cabinet kung saan itinatago ang mga bangkay. Trolleys at autopsy table. Wash area. Sahig at pader ay tiles. First time na makakababa nina Raul at Isko dito, at ang naisip nila ay ang slaughterhouse, katayan ng baboy malapit sa palengke.

"Dito..." senyas ni Tess. Pagpasok nila'y naroon na sa loob si Dr. Morelos at ang matandang embalsamador na pangalan ay Amador.

Pumipitik-pitik ang flourescent lights. Parang malagkit ang hangin dito, wari ng dalawang mga tanod. May tatlong bangkay ang naroon na nakataklob ng kulay puting kumot. Dalawa ang nasa gilid ng pader, isa na alam nilang kay Andoy ang nasa may gitna. Lumapit sila at kita nina Raul at Isko ang nakadungaw na mga paa ni Andoy. Sa hinlalaki may nakasabit na maliit na papel—tag kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. Sa pader, may nakapakong krus at plakard na nagsasabing dapat galangin ang mga patay.

Napa-kurus si Isko.

Pumalibot sila sa bangkay ni Andoy. Nanlulumo sina Raul at Isko. Kanina lang ay kausap pa nila ang kaibigang tanod, ngayon ay heto, isa ng malamig na bangkay.

"Pakibaba ang kumot, Amador," sabi ni Dr. Morelos.

Nanatiling nakatayo lang ang matandang embalsamador na tila hindi narinig ang utos sa kanya, at nakayuko lang sa sahig, ang malago niyang mga kilay ay tumatakip sa kanyang mga mata. Going 75 na siya at limang dekada na sa kanyang gawain. Nakalimutan ni Dr. Morelos na mahina na ang kanyang pandinig kaya't nilapit niyang kanyang bibig sa tenga ng matanda at inulit ang request.

"HAAA?"

"'Yung kumot."

"OKAY. OKAY!"

Ibinaba ni Amador ang kumot na nakataklob kay Andoy at natunghayan nila ang bangkay niya. Agad na napaindak sina Raul at Isko. Kinilabutan. May kakaiba sa bangkay ni Andoy. Parang namatay sa cardiac arrest—naglabasan ang mga ugat niya sa leeg, napakaputla ng balat at lubog ang mga mata.

"Bigla na lang nag-fail ang kanyang immunity systems," sabi ni Dr. Morelos. "Tumigil ang kanyang puso at brain activity."

"D-dahil ba dun sa virus?" tanong ni Raul, may nginig sa boses.

Tumango si Dr. Morelos.

"Wala na kaming makitang ibang dahilan. Sa ngayon, isa pa rin itong malaking palaisipan."

Sumenyas si Dr. Morelos sa embalsamador na itaas muli ang taklob ni Andoy.

"HAAA?"

"'Yung kumot, Amador. Pakitaas na."

"O-OKAY!"

Tahimik silang lumayo ng puwesto, nagpalakad-lakad sa loob habang nagpatuloy si Amador the embalsamador sa kanyang mga gawaing morgue.

"Kawawang Andoy. Kung kelan piyesta, magluluksa tayo," iling ni Isko.

Tinanong ni dok kung may kamag-anak ba si Andoy na kailangang masabihan. Sinabi ni Raul na susubukan niyang makontak ang kamag-anakan sa Mindanao.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon