Chapter 19: Rescue sa Ospital

1.1K 101 29
                                    

lang oras matapos umatake ang mga zombies sa plasa at simbahan at mabilis na kumalat ang virus mula ospital palibot ng Tondo, ay mabilis ding sumabog ang balita sa TV, radyo, internet at mga pahayagan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

lang oras matapos umatake ang mga zombies sa plasa at simbahan at mabilis na kumalat ang virus mula ospital palibot ng Tondo, ay mabilis ding sumabog ang balita sa TV, radyo, internet at mga pahayagan. Isang crisis na ngayon lang nangyari sa tanang buhay ng bawat isa sa Pilipinas at sa mundo. Ang pandemnya na hindi sukat akalain ng lahat na noo'y tanging sa telebisyon, pelikula at libro lamang posible ay aktwal na mangyayari.

Itong zombie virus.

Ang unang video footage ay nagmula walang iba kundi kay Karen Bulan, ang reporter na nagko-cover ng Pista ng Sto.Niño de Tondo. Nakunan ng kanyang cameraman ang paglusob ng mga zombies sa plasa ng simbahan, ang pagatake sa mga nagseselebra, ang kakila-kilabot na patayan. Dinig ang mga hiyawan, ang mga sigaw ng saklolo at ang mga hindi makapaniwalang reaksyon ng mga saksi.

"Oh my God! Kinagat niya 'yung matanda!" sigaw ni Karen sa news footage.

Lumabas ang iba pang mga footages kuha mula sa mga cellphone na pinost sa internet. Mga pagatake ng zombies hindi lamang sa simbahan, kundi sa lahat ng lugar. Karamihan sa mga nag-post ay hindi na muling nakita o naringgan pang muli. Karamihan sa kanila mga millennials na nagse-selfie.

Dahil sa nangyayaring insidente ng karahasan, payo namin sa ating mga kababayang taga-Tondo na manatili sa loob ng bahay at huwag magpapasok sinuman. Siguraduhing kayo at mga kapamilya n'yo ay hindi nakagat ng mga zombies.

Ang babala ng pamahalaan na magtago at huwag lumabas ng bahay ay hindi pinakinggan ng lahat. Nagkaroon ng malawakang mga paglu-looting sa mga tindahan, groceries, supermarket at hardware stores. Panloloob sa mga bahay. Carnapping. Kahit na dognapping. Ninakawan pati ang mga natutulog. Ang mga napping. Lahat ng maaaring manakaw. Walang pinalampas. Ikanga ng isang inglesserong mamamahayag, "everything but the kitchen sink." Iyon nga lang, may kuha rin ng mga nagnanakaw ng mga lababo.

At sa mga nangyayari, kanya-kanya ang tao ng opinyon. Sa isang news program, ang mga panauhin ng anchorwoman ay isang televangelist, duktor at military official.

"Ano ang implication ng nangyayaring zombie outbreak na ito?" tanong ng anchorwoman.

Televangelist:

"Ito'y malinaw na pagpapataw ng Diyos ng parusa sa mga makasalanan! Ginagawan niya ng ehemplo itong Tondo! Ang Tondo ay pugad ng mga makasalanan! Ng mga killer, ng mga gang, drug addict, prostitute!"

Sa bawat may topak na mananalita, mayroon din namang mga matinong kausap na may sensibong mga mungkahi.

Duktor:

"Ang importante ay ma-contain ang virus. Makapag-develop ng vaccine sa lalong madaling panahon."

At sa bawat matinong kausap, nariyan ang mga taong aksyon agad.

"Anong mga hakbang ang ginagawa ng pamahalaan para mapigilan ang krisis na ito?" tanong ng anchorwoman.

Military Spokesman:

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon