Chapter 17: Araw ng Piyesta

1.2K 112 25
                                    

Alas-Kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nagsimula na ang prusisyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas-Kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nagsimula na ang prusisyon. Daan-daang mga taga-Tondo, bata, matanda, grupo-grupo, pami-pamilya, pila-pila sa paglalakad. Marami sa kanila bitbit ang imahen nila ng Sto. Niño na binihisan sa iba't-ibang uri ng costume, nakikisabay sa mga karosa habang maririnig ang ugong ng mga dasal, ang mabagal na tugtog ng banda. Nagliwanag sa mga hawak na kandila ang daan ni Sto Niño na nagsimula sa Tondo Church.

Bago pa lang maibigay ang order ng Presidente na isara ang Tondo ay nagsimula na ang Piyesta. Bago pa lamang sumikat ang araw ay nasa lansangan na ang mga tao. Marami ng mula sa labas ang nakapasok na ng Tondo.

***

Isa sa mga maagang gumising para makipista ay walang iba kundi si Mayor. Lulan ng itim na Pajero at may escort na hagad, binabaybay nila ang EDSA galing sa bahay niya sa Dasmariñas Village. Nang mapadaan sa Camp Aguinaldo ay napansin niyang nagkalat ang mga military truck at sundalo sa gilid ng EDSA, at sa kabila ng Camp Crame ay mga pulis naman.

"Anong nangyayari?" tingin ni Mayor mula sa upuan sa likuran.

"Baka security para sa fiesta, sir," sabi ng kanyang Bodyguard, isang matipunong lalaki na naka-dark shades, isang ex-military. Nakaupo ito sa harapan katabi ng may edarang Driver na puti na ang buhok. Pareho silang naka-barong, itim na pantalon at balat na sapatos.

Dahil doon ay nagkaron ng pagbabagal sa traffic.

"Senyasan mo na mauna tayo, baka ma-late tayo," utos ni Mayor at tumingin sa kanyang relo. 4:32 AM. Madilim pa.

Dahil malapit na ang eleksyon ay naisipan ng 52-anyos na incumbent na alkalde na magpakitang gilas sa pamamagitan ng pagsali sa prusisyon, tutal aniya, ay malapit sa kanya ang Tondo dahil laking-Maynila rin siya. Pero, wala siyang balak na buuin ang lakad, mahaba-mahaba rin, aniya, lalo na't naka-barong at balat din siya, although kanya'y mamahaling piña. At tutal ang kailangan lang naman ay makunan ng media na naglalakad kasama ang aniya'y mahihirap at regular na Pinoy.

Tinuhog ng Pajero ang Tayuman Street tungo ng Juan Luna para ma-overtake-an nila ang prusisyon para doon sa may Sta. Maria Street ay makiki-"join"si Mayor, kung saan lampas kalahati na lang ang lalakarin pabalik ng simbahan.

Nag-cheer ang mga tao nang bumaba si Mayor ng Pajero para sumama sa prusisyon. Sinabihan niya ang driver na mauna na sa simbahan para makaparada habang sinamahan siya ng kanyang bodyguard.

At tulad ng inaasahan ni Mayor, may mga reporters na ang naroon.

Happy Fiesta, Mayor! bati ng mga tao.

"Happy Fiesta, Tondo!" sigaw ni Mayor.

Kaway-kaway. Ngiti-ngiti. Tingin sa camera.

Nangunguna sa prusisyon ay si Father, na parish priest ng Tondo Church kasama si Councilor Jhun-Jhun. Naka-puti na sutana si Father habang si Councilor ay naka-polo shirt. Nagbatian sila.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon