Chapter 12: Zombie Virus

1.2K 123 13
                                    

Bumukas ang pintuan ng morgue at mula sa loob lumabas si Andoy sa corridor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumukas ang pintuan ng morgue at mula sa loob lumabas si Andoy sa corridor. Hubad, maliban sa suot na manipis na di-garter na pantalong pang-ospital. Sa kanyang dibdib, kita ang marka ng scalpel, ang Y-incision. Mabagal ang kanyang lakad, parang kinakaladkad ang mga paa, sa sahig kung saan pumapatak ang dugo at laway mula sa kanyang bibig na gumagawa ng mabangis na ungol.

Tumitingin si Andoy sa kanyang paligid. Mga mata na walang ideya kung nasaan siya.

Walang hustong pag-iisip. Nguni't may natitira pa ring katiting na memorya.

Ng kanyang pagkatao.

Nakita niya ang kulay pulang ilaw sa dulo ng corridor.

At doon siya naglakad.

Isang EXIT sign.

***

"Dok!"

Pagpasok ni Dr. Morelos ng laboratory ay agad siyang sinenyasan ni Benson na lab tech. Lumapit ang duktor at siya'y pinasilip sa microscope. Sa lente, kita ang nagdidikitang mga microbes, ang nagmutate na virus na Rinderpest at rabies.

"Ito 'yung dead cells ni Andoy?" tanong ni Dok.

"Hindi, dok, hindi na 'yan ang host cell," sabi ni Benson. "Sinubukan ko ang virus sa healthy living cells..."

Nagulat si Dr. Morelos sa sumunod na nangyari. Nang dumikit ang mga red microbes na virus sa healthy cells ay maya-maya'y nagkulay itim ang mga ito.

"Pinapatay niya ang mga healthy cells!" aniya.

"Antayin n'yo pa, dok," mabilis na sabi ni Benson, tila sabik pa na malaman ng duktor ang nadiskubre niya. At wala pang isang minuto, ang mga namatay na itim na cells ay unti-unting nagiging kulay pula. Nanlaki mga mata ni Dr. Morelos.

"Pinapatay niya muna ang healthy living cells bago niya binubuhay muli..."

Tumango si Benson, "Yes, dok."

Shocked na napaupo si Dr. Morelos. Tinanggal niyang kanyang salamin at napatitig sa malayo. Hindi makapaniwala sa nakita.

"This is impossible," aniya. "Akala ko sa pelikula lang nangyayari ito."

"Zombies, dok..." sabi ni Benson. "Zombie virus!"

Nagkatinginan ang dalawa. Napatayo si Dr. Morelos nang marinig iyon. Zombie virus. Hindi siya mapakaling nagpalakad-lakad sa kuwarto.

"I don't think that's the technical term, Benson," aniya. "But yes, similar itong nangyayari. Necrosis and then re-animation, Rinderpest heightened by rabies. Isang mutated na virus."

"Sabi ko na nga ba! Dati ko pang sinasabi na balang araw, 'yang rabies ang panggagalingan ng zombie virus!" pagmamalaki pa ni Benson, lumabas lang ang pagka-geek. Si Benson ay graduate ng med tech at may mga sariling theory ukol sa zombie virus. Isa'y na parasite ang magdudulot ng kinatatakutang virus. Hindi niya inakalang isang cattle plague na tinatawag na Rinderpest pala ang pagmumulan ng mutation. Na nagawa pa nitong maapektuahan ang tao.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon