Chapter 3: Si Jack at Ang Mga Anak ng Bote

2.1K 145 19
                                    

Nakatira sina Raul at kanyang mag-anak limang kanto ang layo mula sa bahay ni Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatira sina Raul at kanyang mag-anak limang kanto ang layo mula sa bahay ni Mr. Chang, sa kalye ng mga lumang paupahan na hindi man maganda na'ng hitsura'y dinaan na lamang sa pintura. Karamihan sa mga nakatira sa lugar nila'y mga nangungupahan din lang at walang mga sariling lupa. Si Isko'y sa kabilang kalye lamang. Hindi naman padadaig ang mga tagarito pagka't nag-decorate rin sila para sa pista. May mga banners kung saan nakaimprinta ang katagang "Happy Fiesta" na may litrato ng lalaking kumukutikutitap ang ngiti at may katagang "donated by Councilor Jhun-Jhun."

Kapag tumingala ka nama'y makikita mong makukulay na mga banderitas.

At ang mga sinampay.

"Ke aga-aga sinisira araw ko ng hayup na instik na 'yun," ngitngit na sabi ni Raul habang tumatawid sila ni Isko ng kalsada.

"May araw din 'yang Mr. Chang na 'yan," sabi ni Isko sabay kagat sa pandesal.

Malayo pa lang ay dinig na nila ang malalakas na tawanan. Walang duda ang natatanging boses ni Jack, ang nakababatang kapatid ng asawa ni Raul na si Lilibeth. Ang iba pang malalakas na tawa'y mula sa mga miyembro ng gang ni Jack. Napailing ng dismaya si Raul. Isa pa ito, 'di pa tumitilaok ang mga manok ay nag-iinuman na'ng mga basagulero. 'Di naman din niya mapipigilan pagka't piyesta rin naman.

***

"O, Berto, pagbilang ko ng tatlo..."

Hawak ni Jack ang basyo ng beer na kanyang inuumang sa ulo ng kasamahang si Berto. Masayang nakatingin ang dalawa pa nilang ka-gang. Nagkumpulan sila sa maliit na mesa kung saan may mga bote ng gin, basong pantagay at nakaupo sa mga plastic na upuan. Sa tabi ay may case ng beer na may mga basyo mula sa mga nagdaang inuman. Inaalikabok na'ng mga bote at may mga dumi na ng ipis. Nasa harapan sila ng bahay ni Jack, isang lumang apartment.

Pinupump-up ni Berto ang sarili, at pinatigas ang katawan.

"One...two...tatlo!" sigaw ni Jack.

Patpatin si Jack pero may tapang siya na parang panabong na tandang. Mahabang kanyang buhok na kanyang tinatalian sa likuran. Isa siya sa mga kinatatakutan sa lugar nila, ang kanyang gang na kung tawagin ay ang mga "Anak ng Bote," for obvious reasons. Ang kanyang palayaw na "Jack Dilat" ay dahil sa malalaki niyang mga mata na kung makatingin daw ay para kang lalamunin ng buhay.

Bumuwelo si Jack at buong lakas na hinataw ang bote sa ulo ni Berto at ito'y nabasag. Hindi ininda ni Berto ang tama, wala lang iyon sa kanya. Ang dalawa pa nilang kasamahan ay may hawak na ring mga bote at ready na.

"Okay, GO!"sigaw ni Berto.

Magkasunod na hinampas ng bote ng dalawang gang member si Berto sa ulo, at ang mga iyon ay nagsipagbasag din. Walang nagawa ang mga bote sa tibay ng ulo ni Berto na kilala rin sa tawag na "Bertong Basag-Ulo," hindi lamang dahil sa mala-Talentadong Pinoy niyang abilidad kundi'y siya ang numero unong enforcer ni Jack. Ikanga'y "the muscle." Matangkad at bato-bato, siya 'yung tipong sa labanan ay siyang pinagtutulungan. Walang naglalakas na hamunin si Berto ng one-on-one sa suntukan, dahil tiyak na ospital ang diretso mo.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon