Chapter 5: Si Dodong Krus at Ang Patapon Gang

1.6K 130 23
                                    

Ganoon na lang gulat ni Jack at ng kanyang gang nang biglang sumulpot si Andoy sa inuman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ganoon na lang gulat ni Jack at ng kanyang gang nang biglang sumulpot si Andoy sa inuman. Anila, ay pinaguusapan lang nila ang barangay tanod na umano'y nagkasakit na food poisoning ay ngayon ay kanila nang kaharap at kabarikan. Unang hinanap ni Andoy si Raul na sa oras na iyon ay natutulog pa. Nagkasalisihan din lang sila ni Isko na kakauwi lang para magpahinga. Ikinuwento ni Andoy na tutoo ngang nadale siya ng sirang karne ng baka na galing palengke at imported from China. And speaking of, kinuwento rin ng tanod ang engkwentro niya kay Mr. Chang na lubos na ikinasiya ng mga nagiinuman.

Umalingawngaw ang malakas nilang tawanan sa buong kapitbahayan.

"Eh 'di ba may rabies 'yung aso ni Mr. Chang?" nakangiting tanong ni Boy Tulo.

Yes, nakabalik na sila ni Boy Herpes mula sa kanilang misyon.

"Tapos nahawa pa sa sakit ni Andoy!" bulalas naman ni Boy Herpes.

Mas malakas na tawanan. Napansin ni Andoy na tila naiinis si Jack.

"O, Jack. Bakit?"

"Pano 'tong mga gunggong na ito," turo niya kina Boy Tulo at Boy Herpes na kapuwa nawalang mga ngiti at ubod na nahiya. "Pinabili ko ng bulaklak para kay Tess, korona ng patay ba naman ang binili!"

"Sabi mo kasi 'yung pinakamalaking bulaklak ang bilhin namin!" dahilan ni Boy Tulo.

Binatukan siya ni Berto.

"Nagdadahilan ka pa eh."

"MGA GAGO!" dilat ni Jack sa dalawa.

Pinasahan siya ng tagay ni Berto para kumalma. Timping-timpi si Jack at matapos maramdaman ang init ng gin sa lalamunan ay bumaling kay Andoy.

"Magkano nga pala kailangan mo?" aniya.

"Pambili lang ng gamot, Jack," sabi ni Andoy.

Ang dahilan talaga kaya hinahanap ni Andoy si Raul ay para manghiram ng pera. Sinalo na lang ni Jack ang pangangailangang ito, pakunsuwelo na rin sa bayaw niya na hinahayaan silang mag-inuman.

Habang bumubunot ng pera si Jack, malalim lang ang bulsa ng lonta niya:

"Magaling ka na ba?" tanong niya kay Andoy.

"Medyo nanghihina nga ako," amin ng tanod.

"Alak lang katapat nyaaaan!" sabay na sabi nina Boy Tulo at Boy Herpes na may tono pa.

Tumagay sila ng bago. Inabot ni Jack ang pera kay Andoy.

"O, ito lang meron. Mahina ang delihensiya ngayon," sabi ni Jack. "Baka naman itaya mo 'yan sa karera ha."

"Naku hindi," mabilis na deny ni Andoy, katagang labas agad sa ilong.

Pagka't hindi pa man lumalapat ang pera sa kamay niya'y nasa isip na niyang dumiretso sa tayaan ng karera. Hindi kataka-taka na wala siyang pambayad sa ospital pagka't kinukunsumo ang pera niya ng bisyong ito. Si Andoy kasi'y lumaki sa karerahan, ang kanyang tatay (na mas maliit pa sa kanya ng isa't kalahating pulgada) ay sikat na hinete noong kapanahunan ng mga sikat na thoroughbreds tulad ni Skywalker.

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon