Chapter 6: Rambol!

1.5K 119 26
                                    

            Ang Barangay Panatag ay isa sa mga pinagaagawang teritoryo sa Tondo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

            Ang Barangay Panatag ay isa sa mga pinagaagawang teritoryo sa Tondo. Ikanga'y maraming grupo ang may "disputed claim" sa lugar na ito pagka't ito'y sentro ng sugalan. Mula sa kinaaadikang karera ni Andoy, sa beto-beto sa peryahan, saklaan, mga pa-endings, lotto outlets hanggang sa mga nagka-kara y krus sa bangketa, ang Barangay Panatag ay parang Las Vegas ng mga small-time sugarol. Dito maraming nagtataya ng kanilang "kayamanan" at maging ng buhay pagka't madalas nauuwi sa patayan ang malawakang dayaan, kung kaya't dito rin pumuwesto ang mga funeral parlors. Siyempre 'pag may lamay, mayroon ding nagbabaraha at mahjong.

Inangkin na nila Jack at ng mga Anak ng Bote ang malaking parte ng delihensya sa Barangay Panatag kapalit umano ng proteksyon sa mga batungero. Kapuwa batungero to be exact, pagka't sila Jack din naman ang mga goons na nanggugulo roon. Ironic lang na ang proteksyon ay para rin pala sa kanila. Nagbabayad naman ang mga nagpapalakad ng mga sugalan dahil wala naman din silang magagawa. After all, kumikita rin naman sila.

Kamakailan ay nagsimulang dumilihensya ang grupo ni Dodong Krus sa Barangay Panatag. Ang pangunahing raket ng Patapon Gang ay of course, scrap. Sila Dodong ang may hawak ng mga magbobote at nangangaritong matatanda at batang paslit, at ang junkyard nila ang laglagan ng mga nahakot. Dahil maraming kalat sa peryahan, sugalan at lamayan, nagpataw sila Dodong ng mandatory "donation" para raw sa kalinisan ng Barangay Panatag. Ang tutoo'y lalong mas nagkalat pang mga basura dahil sa pagkakalkal ng mga tao ni Dodong. Uli, wala namang magawa ang mga tao kundi magbigay.

Pero, ngayong magpipiyesta'y tigil muna ang mga operasyong illegal sa Barangay Panatag dahil mainit sila sa mga pulis kung kaya't humina tuloy ang dilihensya ng mga gang.

At kung walang delihensya, walang pang-inom.

At kung walang pang-inom, hindi masaya.

At kung hindi masaya, aba'y away na ito.

***

"May rambol! May rambol!" sigaw ng mga bata.

Sa gitna ng kalsada, naglalakad sina Jack, Berto, Boy Tulo at Boy Herpes. Sumama rin si Andoy. Parang mga hari ng kalsada. Armado sila ng mga pamalo—dos por dos, tubo, at iba pa. Takot na nagsisitabihan ang mga tao. At mula sa gilid ng kalye ay magjo-join sa kanila ang iba nilang mga gang members hanggang sa padami sila ng padami.

Sa kabilang direksyon galing sa junkyard, ay ganoon din sina Dodong Krus, Totoy Bato, Pol, Domeng at Marvin. Armado ng mga bakal mula sa junkyard, at padami rin sila ng padami habang magjo-join ang ibang gang members nila. Magsisitabihan ang mga tao sa takot. Magsisihintuan ang mga sasakyan para sila padaanin.

Maging ang nagkakastahang mga aso ay nagkalasan muna sa takot.

Ang destinasyon nila ay ang "battleground."

Sa eskinita nila Raul, nagsipagtigil ang mga batang naglalaro ng labanan ng mga gagamba nang may humudyat sa kanilang bata.

"May rambol! May rambol! Gang nila Jack at gang nila Dodong!"

Tondo ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon