"Benson!"
"Dr. Ravani!"
Bumukas ang mga ilaw sa laboratory. Pagpasok nina Dok at Tess ay nakita nilang wala roon ang lab tech. Wala rin ang Pakistaning duktor ng CDC. Kinuha ni Tess ang kanyang cellphone at nag-dial. Nag-ring ang cellphone ni Benson. Napalingon sila pagka't sa loob nanggagaling ang ring.
"Sa table niya," turo ni Dr. Morelos.
Nasa mesa nga ni Benson ang kanyang cellphone at nang puntahan iyon ni dok ay nagulat siya.
"Tess..." naginginig ang boses niyang tawag.
Lumapit si Tess at napatakip ng bibig.
"Oh, my God!"
Nagkalat ang dugo sa paligid ng work station ng lab tech. Sa mesa, upuan at sahig. Natuliro sila. Lalo na si Dok na nagsimulang magpanic. Kinuha niyang kanyang cellphone.
"Ano number ni Dr. Ravani?" tanong niya habang pinipindot ang cellphone.
"Hindi ko alam, dok..." may pagtatakang sabi ni Tess.
"Ba't 'di mo alam?" pagtaas ng boses ng duktor.
Na-pressure si Tess sa tanong.
"H-hindi naman kami close..."
"BA'T 'DI MO KINUHA?" sigaw ni Dr. Morelos.
Hindi alam ni Tess ang sasabihin.
"FACEBOOK? ALAM MO FACEBOOK NIYA?"
"H-hindi kami friends..."
"PAANO NATIN TATAWAGAN SI DR. RAVANI?!" sigaw ni Dok at hinampas pang mesa.
Naluha si Tess. Nakita ni Dok na nanginginig sa takot ang nurse at na-realize ang ginawa n'ya.
"Tess, I...I'm sorry! I'M SORRY!" paumanhin niya.
Napaupo ang duktor at nagtanggal ng salamin. Nahihiya sa inasal. Kita naman ni Tess na pressured siya. Pagka't alam nilang dalawa, ayaw man nilang isipin, na hindi maganda ang sinapit nina Dr. Ravani at Benson. Na nabiktima na sila. Maaaring mga zombies na ngayon. At sila'y mga responsibilidad ni Dr. Morelos.
"Paano ko ipapaliwanag sa CDC ang nangyari kay Dr. Ravani, sa DOH..." naiiyak na sabi ni Dr. Morelos. "Lalo na sa Pakistani embassy!"
Hinawakan ni Tess ang duktor sa balikat para pakalmahin.
"Dok, ang mahalaga ngayon ay pigilan ang pagkalat ng virus."
"Y-yes..." tango ni Dr. Morelos at sinuot ang kanyang salamin. Biglang nagka-sense of urgency.
Tumayo siya at sumilip sa microscope habang pinanood siya ni Tess.
"Ito ang huling tinetest namin ni Benson..." aniya at tinignan ang mga papel sa mesa, ang mga notes ni Benson. "Para maka-develop ng vaccine importanteng mayroon tayo nung pathogen..."
BINABASA MO ANG
Tondo Z
HororPista na naman ng Sto. Niño de Tondo at lahat ay sabik nang magdiwang. Pero isang pandemnya ang iistorbo sa kasiyahan nang ang mga nagdiriwang ay makaramdam ng kakaibang gutom.