Chapter 03 ✍ - Vengeance of a Montreal

68.7K 1K 75
                                        

Kassandra ✍


Pabalik na kami sa classroom ng aming makasalubong si Peter, isa sa mga member ng club na kasali rin ako. Ang Bookworms Club. Actually, ako ang Presidente ng naturang club.

"Peter! Anong nangyari sayo? Sinong may gawa niyang mga pasa mo?" pag-aalalang sabi ni Mish.

"Wala ito." pag-iiwas na sagot nito.

"Sino." I asked in a serious tone.

"Ah-eh. Si Lucas." umiwas ito ng tingin.

"Whaaaat?" gulat na sabi ni Mish.

Si Lucas? Ano na naman bang trip ng mokong na yun?

"Bakit ka ba nila binugbog?" paunang sabi ko.

"I am the President of the Council Of Presidents. I can help you in this matter." I assured him para magsalita siya.

"Nagmamadali kase ako dahil may klase pa kami sa Math. Tapos, nabangga ko siya at natapakan ang sapatos niya. Pero hindi ko naman sinasadya." sagot niya.

"Rest assure I can help you with this. Now, go to your class." sabi ko.

Ano na naman bang problema niya. Konting pagkakamali ng iba ay sobra-sobra siya kung makapag react. 

"Mish, mauna kana sa classroom. May gagawin lang ako."

"Pero Kass ..."

"I can handle this."

I dialed the number and reported what just happened. 

"Hello, Sir Ramon."

"Oh , Kassandra. Anong na namang problema? Pera?  I can .." kagaya rin siya ng anak niya. Akala nila pera nalang lahat. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"No Mr. Montreal. I called, for I have a news."

"What? You're kinda serious."

"About your son." at kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Tssk, thank you for your news. Tumawag ka kapag may ginawa na naman 'yang kalokohan."

"Sure sir." I said.

° ° ° ° ° ° ° 

KINABUKASAN. Maaga akong nagising kaya naman maaga na naman akong makakapasok ngayon. Nag-ayos na ako para kumain.

"Ate ... " nakita kong bumangon na pala si Xavier na kapatid ko.

"Oh, ang aga mo yatang nagising. Halika at kumain ka na." pagkatalikod ko ay narinig ko ang  isang kabog. Paglingon ko, si Xavier. Nakabulagtang.

"XAVIER!" dali-dali ko siyang tinungo. Napakainit niya. 

"Mama! Si Xavier ! May inaapoy ng lagnat!" sigaw ko kay Mama na nasa kusina.

"Ano?!" dali-dali kaming tinungo ni Mama. "Kass! Kunin mo ang pitaka ko at dadalhin natin ang kapatid mo sa Ospital!" 

Kinuha ko ang pitaka ni Mama na nasa kanyang drawer. Tiningnan ko ito at nakita kong kulang na kulang ito pampa-ospital. Anong gagawin namin. 

Pumara ako ng tricycle at si Mama naman ay ipinahahabilin ang bahay kay Aling Bebang na may-ari ng inuupahan naming bahay.

"Inaapoy ng lagnat ang bunso ko, kailangan namin siyang dalhin sa ospital. Ihahabilin ko sana ang bahay." sabi ni Mama kay Aling Bebang.

"Oh sige ako na ang bahala, huwag kang mag-alala." paunang sabi nito. "At eto, tanggapin niyo baka makatulong." at inabutan si Mama ng pera ni Aling Bebang.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon