Chapter 27 ✍ - Maybe This Time

45.4K 691 36
                                        

Kassandra ✍

Kumalas ako sa kanyang pagkakahalik. 

Nalala ko ang lahat. Naalala ko ang magiging kahihitnan ng sitwasyong ito.

Hindi 'to tama. Hinding-hindi.

"Lucas, kailangan na nating bumalik. Hindi na 'to tama. Magiging magulo ang lahat." sabi ko.

Pero nagulat ako nang yakapin lang niya ako at tska siya sumagot.

"Ayoko. Kung panaginip lang ito, ayokong gumising. Ayoko." sagot niya.

Bakit pa ba kase naisipang sabihin iyon ng utak ko? Lalong gugulo ang lahat. 

"Pero --." hindi niya na ako pinatapos pa.

"Kass, pwede bang sabihin mo ulit iyon?" sabi niya kahit na nakayakap pa rin.

Nagulat ako. Hindi ito ang Lucas na kilala ko.

"Lucas, madilim na. Kailangan na nating umuwi. Siguradong hinahanap na ako." pag-iiba ko ng sagot.

"Kahit ngayon lang, please. May sarili tayong mundo ngayon. Walang mahuhusga sa atin. Tayong dalawa ---." at hindi ko rin siya pinatapos.

"Oo mahal kita." at mas lalo pang humigpit ang mga yakap niya.

At sa kalauna'y pumasok na rin kami sa hotel nila.

"One room, two beds please." sabi niya sa tauhan niya.

"WHAT? ANONG One room, two beds? Uuwi tayo!" sabi ko.

"Huwag kang mag-alala. Ipagpapaalam kita sa parents mo." 

Naguguluhan na talaga ako. Ano ba 'tong ginagawa niya.

"Gutom ka na ba?" tanong niya. I just nodded. 

"Halika." and then he hold my hand.

At nakarating kami sa isang napakalaking restaurant ng hotel nila.

"A dinner for two." sabi lang niya sa waiter.

"My pleasure, Young Master." 

Oo nga pala. Young Master ang tawag sa kanya kahit saan basta pag-aari nila.

Umupo kami at naghintay sa pagkain na inorder niya.

Pero naiilang ako sa mga titig niya na may mga ngiti pa sa kanyang mga labi.

Umiwas naman ako ng tingin dahil nakakailang na.

"Kass." bulong niya.

"Ano na naman?" mataray kong sagot.

"Wala lang. Na miss ko lang ang boses mo." korny ng lalaking 'to. 

At naging tahimik na naman ulit.

"Akala ko kayo na." sabi pa niya.

"Bakit ba parati mo nalang 'yan tinatanong?" sagot ko.

"Wala lang." 

"Lucas, look. Pagbalik natin kalimutan na natin ang lahat ng nangyari. Ayokong magkagulo. Ayokong saktan ka ng Dad mo. Ayokong mapahiya ang pamilya niyo." sabi ko.

Natigilan siya at umiwas ng tingin. Pumikit at huminga ng malalim bago ako hinarap at sinagot.

"Ngayon pa na masaya na ako?" sagot niya na ikinagulat ko.

Parang mabibilaukan ako sa mga sinabi niya. 

Pero natatakot ako. Hindi para sa akin pero para sa kanya. 

Ayokong mawala ang lahat ng nasa kanya ngayon. Ayokong ako ang maging dahilan ng paghihirap niya.

"Pero pano ang kasal mo? Magiging malaking eskandalo to." sabi ko.

"Haharapin ko silang lahat. Kass, handa akong ipaglaban ka, handa ka rin ba?" 

Hindi na ako nakasagot. 

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Pagkatapos kumain ay pumunta na agad kami sa kwarto na pina-reserve niya.

But wait ... "Bakit isa lang ang kama?" tanong ko agad sa kanya.

"Oo nga. Eh dalawa ang pina-reserve ko." at nag diall agad siya sa telepono para kontakin ang nagmamanage sa mga reservations.

"Bakit isa lang ang kama rito?" galit na sabi niya agad.

At rinig ko pa ang sagot ng kausap niya.

"Sorry po Sir. Hindi po agad namin kayo na-contact. Full na po pala kase lahat ng rooms." 

"Humanda kayo ---." hindi ko na siya pinatapos pa.

"Lucas tama na, Okay lang kahit na sa sahig ako matutulog." sagot ko.

"Sa sahig? No way! Ako nala--." at nagulat rin siya sa sinabi niya.

"Ok fine." pang-aasar na sagot ko at nakita ko ang reaksyon sa mukha niya. Natatawa nalang ako.

Pero pinaghandaan ko pa rin siya sa sahig ng tutulugan niya.

"Salamat." sabi niya.

"Sige matulog ka na at ako rin. Goodnight." humiga agad ako sa sobrang pagod at sa dami ng mga iniisip ko kanina pa.

Pero nagulat ako nang may humawak sa kaliwang kamay ko.

"Hoy Lucas! Ano ba? Matulog ka na!" sabi ko.

"Hindi ako makakatulog kapag hindi ko hawak ang kamay mo. Ayokong magising sa panaginip na ito, at ayokong makawala ka." sagot niya.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter 26 ✍ - Maybe This Time
Date Published: July 24, 2014 

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon