"Kass" it's echoing in my head. That cold voice of him. Hinarap ko siya pero hindi ako nagsalita.
"We need to talk." he added.
"After what happened we need to talk? Putang ina naman, Lucas. Tigilan na natin 'to! Tama na! Ayokong mas lalo pang dumami ang pinagbabayaran ko!" he grabbed my arm at lubas kami sa coffee shop.
Nakita ko kasi na pinagtitinginan at pinag-uusapan na kami sa loob. Pero wala eh, kailangan kong gawin yun para matauhan siya.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya pagkatapos naming makalayo sa coffee shop.
"Ano ba! Hindi mo ba talaga ako pakikinggan?" sabi niya.
"Para saan na naman, Lucas? Hirap na hirap na hirap na ako! Tama na! Ano pa ba ang sasabihin mo? Sasampalin mo na naman ba ako ng mga masasakit na salita? Please, tigilan na natin to." nagmamakaawa kong sabi sa kanya at unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
"Marami akong gustong sabihin pero hindi pa tamang panahon. Kahit ngayon lang magtiwala ka naman oh!" sabi niya.
"Tamang panahon? Magtiwala? AKALA KO BA "WE'RE DONE" ano bang ibig sabihin ng we're done, ha?! Please lang, masaya na ako. Huwag mo na guluhin ang buhay ko at hindi ko na rin guguluhin ang buhay mo. Kalimutan mo na nating may naging tayo." at umalis ako papalayo sa kanya.
"Kass!" sigaw niya pero hindi ko pinansin.
Lucas ✍
"Pucha!" pumasok na ako sa sasakyan ko.
Bakit ko ba naman kase nasabi yun? Gulong-gulo na rin kase ako nun kaya hindi ko na alam ang mga sasabihin ko.
Marami akong gustong sabihin sa kanya, maraming marami. Kaso hindi pa tamang panahon. Ayokong mapahamak siya.
Oo, ayokong mapahamak siya. Bakit? Kase dumating na ulit si Dad. At umuwi siya ng malaman niya na bumalik na ang mga ala-ala ko.
Bago paman kami pumunta ni Kass sa Swiss Beach, bumalik na ang ala-ala ko - matagal na. Hindi ko nasabi sa kanya kase ayokong masira ang araw namin na magkasama. Si Manang lang ang may alam na matagal nang bumalik ang mga ala-ala ko pero naghire pala si Dad para may sikretong magbantay sa akin.
Pero nung hinalikan niya ako dun sa Beach, nangamba ako. Nangamba ako kung ano ang kayang gawin ni Dad. Ayokong masaktan si Kass, sobra ko siyang mahal. Mahal na mahal ...
Natigilan ako nang mag-ring ang phone ko.
"Po?" si Manang pala ang tumatawag. Wow, this is rare. Don't tell me ..
"Andito na ang Dad mo, dumating na si Ramon." Sh*t. Bakit napaaga? Akala ko next week pa?
"Going." tipid kong sagot. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya ya, pero ang siguradong alam ko, gulo na naman to.
Magkabati na kami kaunti ni Dad. At ayokong mawala pa yun. Siya nalang ang natitirang kamag-anak ko. Siya nalang ang natitirang magulang ko ..
Pagkarating ko, natigilan ako. Nakaupo si Dad na may kasamang ibang tao.
"Hi Son!" bati niya. Tumayo siya at niyakap ako. Weird, hindi ko ito ang expected kong pagsasalubon niya sa akin.
"Oh, at siya pala ang Tito mo. Tito Rico." sabi niya.
"Tito?" I was puzzled. Akala ko ...
"He's my step brother. Nagkaroon ng affair ang Lolo mo dati at siya ang naging bunga. Nevertheless, wala akong galit at sa totoo pa nga I'm grateful kase nakilala ko na ang kapatid ko. I was looking for him all this years, dahil yun ang bilin ng Lolo mo." he added.
Tumayo si Tito ay niyakap ako.
"Manang-mana sa dugo natin!" at nagtawanan sila Papa.
"Eh sa nasa lahi na natin yata ang pagiging pogi." at nagtawanan sila ulit. Wow, ngayon ko lang narinig si Dad na napaka casual magsalita.
"By the way, my son will arrive soon, I bet magkakasundo sila." sabi ni Tito.
Pumunta muna ako sa kwarto ko habang patuloy na nag-uusap si Dad at Tito. Narinig ko ang usapan nila na separated pala si Tito sa asawa niya. Mahirap raw kase ang napangasawa at ayaw ni Lolo kaya pinaghiwalay silang dalawa.
Bumaba na agad ako para tulungan si Manang sa paghahanda.
"Ngayon ko lang nakita na naging napaka saya ng Dad mo. Natupad na kase niya ang bilin ng Lolo mo." sabi ni Manang.
"Pero nagtataka po ako. Pano niya nagawang tanggapin ng ganun-ganun nalang ang lahat?" tanong ko.
"Sa tagal kong nanilbihan sa pamilya niyo, masasabi kong mabait ang Papa mo. Alam kong alam mo na naging masama lang ang ugali niya nang mamatay ang Mommy mo. Sumalangit na sana ang kanyang kaluluwa." sagot ni Manang.
"Ahh .. " tipid kong sagot.
"Oh! At last, dumating ka na rin!" narinig kong sabi ni Tito na nasa sala. Dali-dali akong pumunta dun at ...
"Ramon, I want you to meet my son, Stefan. Stefan Mercado Montreal."
° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °
Author's Note ♛
No Compilations. || No Softcopies.
No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.
Chapter 13 ✍ - Meet Thy Cousin
Date Published: Nov. 8, 2015
ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
Ficción General[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
