Chapter 22 ✍ - Expulsion

49.7K 710 40
                                    

Kassandra ✍


"Sure ba kayo sa mga pinagsasabi niyo?" sagot ko.

"Kass, sure na sure na sure na 'to!" sagot ni Bryan.

"Hahays, alam niyo, hindi niyo na dapat ginagawa 'to. Magiging malungkot lang si Lucas kapag nawala dito si Nicole. At baka pagsinundan na niya ito, pati siya mawawala na." paunang sabi ko.

"Huwag nalang nating pansinin ang attention seeker na yon." dagdag ko.

"Grabeh ka talaga, Kass. Hindi ka naman ganyan dati ah." sabi ni Mish.

"Oo nga. Lalaban ka at lalaban." sabi rin ni James.

"Pero ano na? Wala ba talaga tayong gagawin?" sabi ni Bryan na nanlulumo.

"Oo. Last year na natin to kaya enjoy lang!" sabi ko.

"Pero hindi talaga ako matatahimik eh." sagot ni Bryan.

Sabay kaming lahat na naglakad sa hallway pabalik sa classroom.

Tawa ng tawa lang kaming tatlo sa mga hirit at jokes ni Bryan.

Hanggang sa makasalubong namin sina Nicole at Lucas.

Nagsitigilan kami sa katatawa.

"So bakit kayo natigilan?" mataray na tanong ni Nicole.

"Eh anong pakialam mo?" sagot ni Bryan.

"Oo nga. Nagtransfer kalang ang feeler mo na agad." sambat rin ni Mish.

Pero nagulat talaga ako sa sinabi ni Nicole.

"Tsss, mga bobo nga kayo." sagot nito.

I felt insulted for all of us. Ang feeler ha.

"Lucas, baka pwede mo namang pagsabihan 'yang fiancee mo." sambat ko sa kanya.

Magsasalita na sana si Nicole nang pinigilan siya ni Lucas.

"Tama na. Halika na." at nakita ko ang inis na rumehistro sa mukha nito.

"Kainis!" sabi ni Mish ng naglakad ulit kami at iniwan ang dalawa.

° ° ° ° ° ° °

Habang naglalakad ako papuntang office ng Student Council, nakita ko si Nicole na pumasok sa girl's comfort room at nagbabantay si Lucas.

Pero nakita ko rin si Bryan na pumunta likod ng CR ng girls.

Wait ... hindi kaya.

"Bryan! Ano bang ginagawa mo diyan? Naninilip ka ba?" sigaw ko.

Nakita kong nagulat siya.

"Ah-eh..." hindi siya makasagot. At napansin ko ang hawak niya.

"Wait ... akala ko ba hindi na natin gagawin 'yun?" sabi ko.

At hinagis niya agad ang hawak niya.

"BRYAN!" sigaw ko.

"Sorry nagawa ko na." at ngumiti siya.

"Kass, takbo!" tumakbo agad siya kase may babaeng tumili.

"Ha?" paghatak niya sa kamay ko, na out of balance ako at natumba.

"Kass!" at inalalayan ako nito.

"Ang sakit ng paa ko." sagot ko.

"Sorry, sorry!" sagot nito.

"Ano bang ginagawa niyo! Kayo ba ang naghagis ng mga palaka sa CR?" sigaw ng pamilyar na boses.

"Lu-cas." sambit ni Bryan.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon