It's been days since that day happened.Hindi ko na siya nakita pagkatapos ng araw na yun. Nasasaktan ako, naguguluhan sa mga nangyayari. Naging tanga na naman ako ulit.
Bakit ko ba pinagbabayaran ulit lahat? Bakit? Bakit?
Puro bakit na tanong ang nasa isip ko na hindi mawala-wala. Gusto ko nang maging masaya pero parang ayaw ng tadhana kase may nasaktan akong tao.
"Kass, ilang araw kanang walang ganang kumain." sabi ni Mish at niyakap niya ako agad. Niyakap ko rin naman siya pabalik.
"Salamat, Mish." tipid ko nalang na sagot. Wala akong lakas, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Hanggang sa may narinig kaming boses galing sa labas.
"KASS! KASS! KASS!" pamilyar na boses. Agad na kumawala si Mish sa pagkakayakap at hinarap ang taong sigaw ng sigaw.
Hanggang sa tumahimik ng ilang minuto. Tumayo ako mula sa kama at umupo sa may bintana at tinatanaw ang langit na asul at mga ibong lumilipad ng malaya.
Malaya sila. Malayang malaya.
Hanggang sa may yumakap sa aking galing sa likuran at tinawag ang pangalan ko.
"Kass." he said.
Tumulo ang mga luha ko. Bakit nandito siya? Hinarap ko siya.
"Bakit ka nandito? Akala ko nasa Sidney ka? Diba may pasok na kayo?" Sabi ko kay Stefan.
"Alam ko. Pero mas importante ka sa akin at alam mo yan." Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"Sorry. Sana pinaglaban kita. Sana hindi ko binulong ang mga linyang iyon sa iyo na nagbigay sayo ng lakas na ipaglaban siya. Sana ..." hindi ko na siya pinatapos pa.
"Sana ikaw nalang pinili ko. Sana alam kong ganito ang mangyayari. Sana hindi ko na binuksan ang puso ko sa kanya ulit. Minahal kita ulit pero nagpadala ako sa pagmamahal ko sa kanya noon. Sana ... napalaya ko na siya." sabi ko sa kanya.
"I revoked my scholarship. I will fight for you, never will I show mercy pag nakita ko siya." sagot niya.
"Wait.. what? Anong ba! Pinapabigat mo ang kalooban ko. Ano bang pumasok diyan sa utak mo at umuwi ka rito! Pano mo nalaman?" mga tanong ko sa kanya.
"Chill lang. Tinawagan ako ni Mish. At alam mong hindi kita mahihindian. Mahal na mahal kita, Kass. Mahal na mahal. Balewala ang lahat nang yun kung alam kong andito ka at nasasaktan." sagot niya at humagolgol na talaga ako sa pag-iyak.
"Hindi ako papayag na masasaktan ka ulit. Hinding-hindi na."
✍
1 MONTH PASSED ..
"Hoy! Nasan ka na?" patawang tanong ko sa kanya sa telepono.
"Sorry, papunta na talaga ako. Wait lang." sagot ni Stefan.
Parang nabuhayan ako sa dalang pag-asa ni Stefan na kaya kong maging masaya ulit. He filled all the lapses in my heart and showed me I'm worth every smile.
Nasa mall ako actually at inaantay ko siya kase manonood kami ng sine. May bago kaseng pelikula na gusto naming dalawa.Papasok na ako sa isang coffee shop para bilhan siya ng favorite niyang kape nang may nakita akong lalaking nakaupo sa may harapan at natigilan ako ....
Gusto kong umalis agad at tumakbo pero parang napako ang mga paa ko sa sahig.
"Kass, labanan mo!" bulong ng utak ko.
At nalabanan ko, tumalikod ako para umalis sa coffee shop. Hanggang sa ...
"Kass." that cold voice.
° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °
Author's Note ♛
No Compilations. || No Softcopies.
No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.
Chapter 12 ✍ - Inevitable Destiny
Date Published: Nov. 6, 2015ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords
![](https://img.wattpad.com/cover/3294102-288-k764949.jpg)
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...