Chapter 28 ✍ - Date Wannabe

47.5K 688 19
                                        

Kassandra 

Nagising ako sa liwanag na nangagaling sa labas.

Pagbangon ko, natigilan ako nang makita ko ang kamay ko na hawak-hawak pa rin ni Lucas.

Itinabi ko ito. At nakita ko ang sarili kong tinititigan siya.

Kaya ko bang ipaglaban ang ungas na 'to?

My heart says I can but my mind says I can't.

I don't want to cause tears to this man.

He's been lots of pain since his Mom died.

I can't afford to hurt him. But ....

I don't wanna cause trouble. Okay na ang lahat nung lumayo ako.

Okay na ang lahat nung umalis ako. 

Nag-charge ako ng phone sandali and as I opened it, I saw lots of messages


From: Mama 

Nasaan ka na ba bata ka? Nag-aalala na Papa mo.

From: Stefan

Where are you? Where have you been? Marami na ang naghahanap sa yo!

To avoid stress, pumunta nalang ako sa beach para magpahangin.

Mabuti nalang at hindi pa gaanong mainit kase maaga pa.

Sumilong ako sa isang maliit na puno.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Ano ba tong pinasok ko.

At nakikita ko na naman ang sarili kong nakatulala sa paghampas nang mga alon.

Hanggang sa may nakita akong lalaki na parang may hinahanap.

Lingon ito nang lingon. Natataranta. Hindi mapakali.

Hanggang sa lumingon siya sa direksyon kung nasaan ako.

Natigilan siya na parang nanghihina. 

At tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap agad ako.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya at kumawala ako sa pagkakayakap niya.

At bumuntong hininga siya bago siya sumagot.

"Akala ko umalis ka." sagot niya na ikinagulat ko.

"Yun lang?" tanong ko.

"OO YUN LANG NAMAN!" at diniinan pa niya ang pagsasalita.

At tumabi siyang umupo sa akin.

"Have you opened your phone?" tanong ko sa kanya.

"Not yet. Why?" 

"Nagkakagulo na ang lahat sa paghahanap sa atin." sagot ko.

At nakita ko ang reaksyon sa mukha niya. 

"Tara, kain muna tayo." pag-iiwas niya.

Hinawakan niya ang kamay ko para tumungo pabalik sa hotel pero pinigilan ko siya.

"Lucas." tawag ko. "Huwag mong takasan 'to."

"Ano bang dapat kong gawin? Litong-lito na ako. Gusto ko ng maging masaya." at niyakap ko siya.

"Pwede bang hindi na tayo bumalik? Pwede bang tayo nalang parati?" dagdag pa niya.

"Sa mundong ating ginagalawan, ang sagot sa mga tanong mo ay hindi." sagot ko.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon