Kassandra ✍
Habang naglalakad ako para maghintay ng jeep, may nakabangga akong isang babae... matandang babae.
"Sorry, ija." sabi nito at tinulungan kong pulutin ang mga nahulog niyang dala.
Pagtingala niya, nagulat ako. Si Manang.
"Oh ikaw pala iyan Kassandra!" at nagmano ako.
"Opo." nginitian ko lang siya.
"Saan po kayo galing?" dagdag ko.
"Ah, mamalengke pa sana ako kaso may pupuntahan muna akong kaibigan. Teka, wala na ba kayong klase? Ang aga-aga pa ah!" sagot nito.
"Ah-eh." patay, anong isasagot ko. Ayokong magsinungaling. Pero hindi niya dapat malaman.
"Ah, may nakalimutan lang po ako sa bahay. Kukunin ko lang po." sagot ko.
"Pero bakit ang dami mong dala?" nahalata niya pala talaga kahit anong iwas ko.
"Ah heto po, isasauli ko lang po 'to." mabuti nalang at may jeep na napapunta sa amin.
"Ma una na po ako." mabuti nalang. Ayokong mag-alala si Manang.
"Sige hija, mag-ingat ka." at nagpaalam na ako ng tuluyan.
Pagdating ko sa bahay, walang tao. Namalengke din siguro si Mama.
Pumunta agad ako sa kwarto ko at ipinikit ang mga mata ko.
Nakakapagod na. Ayoko na. Suko na ako.
Ayoko ng magtapang-tapangan pa.
Napansin ni Mish ang mga pagbabago sa akin.
Kase ang alam niya, kailan ma'y hindi ako nagpaparaya.
Nag-ugat kase ang lahat nung tinawagan ako kagabi ni Mr. Montreal .. si Sir Ramon.
° ° ° ° ° ° ° FLASHBACK ° ° ° ° ° ° °
Nagpapahangin ako sa labas ng bahay namin nun nung tumawag siya.
"Sir Ramon." bungad kong sabi.
"Ano 'tong mga naririnig ko? Wala ka ba talagang utang na loob?" sigaw nito.
Hindi ako nakasagot sa sobrang gulat.
"I told you before Kassandra, hindi mo alam ang kaya kong gawin. Napahiya ako sa pamilya Evans!"
"And what's worst? Nalaman kong nagkagusto pa ang anak ko sayo? Are you that gold digger, social climber?" dagdag pa nito.
I felt insulted. Hindi na 'to tama.
"Sir Ramon! You answered your own question! Ang anak mo ang nagkagusto saken hindi ako! Sawang-sawa na ako na maging sunod-sunuran niyo! Sayo na yang pera niyo, kahit kunin niyo pa ang scholarship ko, wala akong pakealam!" sigaw ko at binabaan ko siya ng telepono.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
Kaya nung gabing 'yon, napagdesisyunang kong, isuko na lahat. Kailangan ko nang manindigan.
Ipapangako ko, luluhod kayo sa harapan ko!
° ° ° ° ° ° ° END OF FLASHBACK ° ° ° ° ° ° °
Pero nagising ang diwa ko ng may bulabog akong narinig mula sa labas ng kwarto ko.
"Kass!" tawag mula sa labas.
Pamilyar na pamilyar ang boses .. at tama ako.
Paglabas ko, tumakbo agad ito papunta sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
