Kassandra ✍
"As always, ang running for Valedictorian ng taong ito. First honor ka na naman Kass!" sabi ni Mish.
"Alam ko. Tingnan mo oh, marunong rin ako magbasa." sagot ko.
"Pilosopa ka talaga ! Mataray ! Mataray!"
"Pikon! Halika na nga at baka mahuli pa tayo sa first class!" sabi ko sa kanya.
Some people say, I am one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, nerd daw ako.
Well, nerd na kung nerd. Pero if I were to classify myself, I am just one of those bookworms. I am one of those persons devoted to reading.
And to tell you, hindi ako katulad ng mga ibang nerd jan. I don't wear those epic braces and I am not a martyr like those typical ones. Ssh, uso pa ba yun? Siguro, I'm a Modern Nerd.
Palaban ako. Lalaban at lalaban kapag alam kong ako'y nasa tama.
Hindi kami mayaman kaya nga scholar ako, pero alam ko naman ang salitang fashion. Hindi rin ako nagre-reyna reynahan sa school. Ibabalato ko nalang yun sa mga babaeng walang magawa kundi magpaganda at sinasayang lang ang mga tuition nila.
Well, maarte rin ako. Bakit? Mayayaman lang ba ang pwedeng mag-inarte? Wow ha.
Kassandra Villanueva is the name. Breathing since 1997. Fourth Year student of the University of Riche. Riche is the French word of rich. In other words, unibersidad ng mga taong mayayaman.
Well, bumalik tayo sa buhay ko. May isa akong kapatid na si Xavier. He's still in gradeschool. My father is just a company worker. At si Mama naman ang nag-aasikaso sa amin ng kapatid ko.
Kung papasok kayo sa bahay namin, mas marami pa kaming libro kaysa sa Library namin. Eh kase naman, puro computers nalang ang makikita mo sa Library kaya nagiging bobo na ang mga kabataan ngayon. Tssk.
May kaisa-isa akong kaibigan, take note niyo, kaisa-isang kaibigan, si Mish. Hindi siya nerd. Typical high school student. Mayaman pero mabait. Hindi tulad ng ibang mga babaeng nag-aaral sa University.
"Hooy Kass, may assignment ka sa Trigonometry?" sabi ni Lian.
" 'Bat may hooy ka palagi, hindi naman ako bingi. Hindi ba pwedeng Kass nalang agad? At Oo, palagi yata akong may assignment. Oh heto." inabot ko sa kanya ang papel na may nakasulat na assignment.
"Oh my God, thanks ! Wait, kokopyahin ko muna."
" 'Wag na. Nilaan ko talaga 'yan kase alam kong wala ka na namang assignment."
"As en? Thaaaanks !" sabay hug sa akin.
"Mish, alam ko, alam ko." insert evil laugh.
"Sige, ililibre nalang kita mamaya."
" 'Wag na. Baka sabihin pa nila, nagbebenta ako ng assignment."
"Grabeh toh, bahala ka." sabay tawa.
Bakit wala pa ang prof namin sa Math? Antagal ha. Sa harap nga pala ako nakaupo. Kung sila natatakot, eh aba, bakit naman ako matatakot? Matatakot na tawagin ng teacher?
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga kabataang gusto ay ginhawa agad. Natatakot at ayaw dumaan sa mga pagsubok ng buhay.
"Gusto mo bang sipain ko 'yang bag mong nakaharang sa dadaanan ko?" nilingon ko ang pamilyar na boses na 'yun. At tama ako, si Lucas Montreal. He's late as usual porket isa sa may-ari ang Daddy niya sa paaralang ito.
Pero wala talagang mas late pa sa kumag naming teacher. -.-
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
