Kassandra ✍
Naglalakad ako papuntang school. Kase, nasira kasi yung jeep na sinakyan ko kanina.
Kaya heto, nga-nga sa paglalakad.
Mabuti nalang ang lapit ko na sa school. Ang buti pa rin ni Lord saken.
Hanggang sa may isang maitim na kotseng huminto sa tabi ko.
Napahinto ako sa kaba. Kase naman, ang bilis nung pagkakahinto.
"Maam, sakay po." nakita kong lumabas ang isang lalaking naka-uniform.
Wala akong nagawa kase hinatak ako agad.
"TULOOOOOOONG -" at may tumakip ng bibig ko.
"Tumahimik ka nga." mataray nitong sagot.
Iwinasiwas ko ang kamay niya at sumagot.
"Ano na naman bang problema mo? May sayad yata yang utak mo." sabi ko sa kanya.
"Tss." wow, yun lang sagot niya.
"Manong, ihinto niyo ho. Bababa ho ako." sabi ko.
"No." pigil niya.
"Manong --" at pinigilan niya na naman ako.
"I said no." pagpupumigil pa niya.
"Bakit ba?" tanong ko.
"Baka sabihin ng iba na hindi ka namin binibigyan ng allowance. Empleyado ka namin right?" sagot niya.
Oo nga pala. Puppet nga pala ako ng mga Montreal.
Wala akong magagawa. Para naman to sa kinabukasan ko.
"Nasira nga lang yung jeep na sinasakyan ko." I explained.
Hindi siya sumagot. Shunga 'tong lalaking to. Ang lapit-lapit ko na kaya sa school.
"Dito na ako bababa. Baka kung ano pang isipin nila." sabi ko.
"NO." sagot niya.
"Dito nga lang! Ano kaba Lucas?" sigaw ko.
Wala akong nagawa ulit. Nagpatuloy lang sa pag-andar yung kotse.
Alangan namang tumalon ako.
Pero nagulat ako ng makarating kami sa Parking Area.
Hindi ko alam na marami palang tao rito. At mga estudyante pa sila pero ang gagara talaga ng mga sasakyan nila.
Pagkababa ni Lucas, bumaba na rin ako at tumakbo agad.
Mahirap na noh, baka makita kami ni .... NOOO! Nakasalubong kami ni Nicole.
"Heey!" tawag niya sa akin pero nagpautuloy parin ako sa pagtakbo.
° ° ° ° ° ° °
"So as today, maraming na ang usap-usapan na si Andres Bonifacio ang dapat italaga sa pagiging Pambansang bayani ng ating bansa. So let me hear some words from you the youths of today if you are in favor or not." tanong ni Prof.
I have also read some blogs about that. But still, I'm for Rizal.
"Yes, Ms. Evans." tawag ng guro.
"Let's see what you've got. Ms. Swiss Valedictorian." bulong ko sa sarili ko.
Umaandar na naman 'tong pagka-competitive ko. Pero dapat lang noh.
"Well Prof, I believe Andres Bonifacio should be our National Hero." sagot niya.
Nagbulong-bulungan na ang lahat sa mga opinyon nila.
"Well why?" tanong nito.
"Well yes we can say that Rizal fought with his pen and Bonifacio fought with sword. But it's not the point. The point is their goals. Rizal only wants reform. He wants only equality in the eyes of the law for Filipinos and Spaniards." and she pause for a moment at tiningnan ako.
Wow ha. Naghahamon ba ang babaeng 'to?
"Andres Bonifacio's goal was the total separation from the Spaniards. He believed that we should have our own government run by Filipinos." dagdag pa nito.
"Wow, nice arguement Ms. Evans." sagot ni Prof.
Napaniwala niya ang iba. Ang iba naman alam kong naguguluhan pa rin.
That's why I raised my hand not because I want to intimidate her but to oppose her with my opinions.
I saw glare on Nicole's eyes. At natanaw ko din si Lucas. Walang expression ang mukha niya.
"Yes Ms. Villanueva?" at tumayo ako para sumagot.
"Well, I feel that I need to defend Rizal." paunang sabi ko.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ulit magsalita.
"Let's first all describe a National Hero. A national hero should be the role model of the youth. And yes, that's my point. Rizal used his intellect and his pen in making known his feelings. Because not all the time, fists and physical warfare should be the solution."
"Ngayon Nicole, tatanungin kita, gusto mo bang tularan ng mga kabataan ngayon ang pamamaraan ni Bonifacio? Na kailangan pang may dumanak na dugo at pumatay ng tao para lang makuha ang ating mithiin? Na mayroon namang ibang paraan para makuha ito?" I left her speechless and she rolled her eyes.
And everyone was clapping their hands.
"Excellent Ms. Villanueva! Wow, that made me speechless." sagot ng Prof.
° ° ° ° ° ° °
CAFETERIA. "Kass grabe ang speech mo kanina. Lahat hindi nakareact! " with matching clapping of hands.
"Shunga, anong speech? Gutooom na ako." sabi ko sa kanya.
"Sige, libre na lang kita." sagot niya.
"WOW! THANKS MISH!" at hinug ko pa siya.
"As usual." at nagsitawanan nalang kaming dalawa.
Pumunta na agad siya sa linya para mag-order.
Ako naman, nakatunganga lang at gutom na gutom na gutom na T.T
Hanggang sa ...
"Nice arguement there Kassandra." nagulat ako ng dumating si Nicole kasama si Lucas.
"Well, thanks." I coldly answer.
"Pero mas matalino pa rin ako sayo. Bear that in mind." she said in nowhere.
"Think whatever you want to think." mataray kong sagot at nakita ko si Lucas na umiwas ng tingin.
At dumating si Mish dala-dala ang oder ko.
"Sinong mas matalino? Ikaw? Luh." at tumawa ito ng kaunti na pang-aasar.
"Shut up pugita." pangungutya ni Nicole.
Sasagot na sana si Mish ng pigilan ko siya.
"I got this." bulong ko.
Tumayo ako, lumapit sa kanya at sumagot.
"Bestfriend ko lang naman ang tinawag mo ng pugita. Pero tanong ko lang, ano bang problema mo? Ah dahil ba nanalo ako kanina sa debate? So natusok ko pala yang pride mo." paunang sagot ko.
"But just to remind you, nasa teritoryo kita."
° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °
Author's Note ♛
No Compilations. || No Softcopies.
No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.
Chapter 20 ✍ - The Debate
Date Published: June 14, 2014ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...