Kassandra ✍
"You still love him, don't you?" he asked.
I froze for a moment. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Even I couldn't even answer the question.
Ngayong natutunan ko na si Stefan mahalin ulit, bumabalik na naman sa eksena si Lucas.
Hindi ko na namalayan at napaluha na pala ako. Yumuko ako at naramdaman kong niyakap niya ako.
Naramdaman kong nilalapit niya ang bibig niya sa tenga ko dahil nararamdaman ko ang bawat hininga niya.
At may binulong siyang ikinagulat ko.
"Thanks." sagot ko sa binulong niya at niyakap ko rin siya pabalik.
✍
"Hey!" nagulat ako nang paglingon ko, nandito si Stefan sa bahay nina Mish.
Nag-aalmusal pa kase kami at nagulat ako kung bakit siya pumunta rito.
"Hi Stef!" sigaw naman ni Mish na pambati.
"Can you please stop calling me, Stef! I told you call me Mr. Pogi." patawang sagot naman niya.
"Ok Stef." pang-aasar pa ni Mish.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Just saying good bye, I guess?" at niyakap niya ako agad. Kumalas agad ako sa pagkakayakap niya at sinigawan siya.
"WHAT? SAAN KA PUPUNTA?" sigaw ko sa kanya. Saan na naman kaya pupunta ang mokong na 'to.
"Wow, di pa nga ako aalis namimiss mo na ako agad? Anyway, nung nasa Australia ako, I was offered by a famous University sa Sidney a scholarship. And yeah, I replied to them days ago. Ngayon ang flight ko." sagot niya.
"WHAT? GRABE KA! DUN KA BA MAGPAPATULOY HANGGANG MATAPOS KA MAKAPAG-ARAL?" tanong ko sa kanya.
"Well, I guess, depende. Pero sayang kase eh, mas maganda ang facilities nila doon. You know my course, it's kinda complicated." sagot niya. Bachelor of Science in Chemical Engineering kase ang kinuha niya.
"Hmm, see you after 5 years? Kaya naman siguro natin ang Long Distance Relationship, right?" pabiro pa niyang dagdag.
"Gago!" at binatukan ko siya. At yun, hinatid ko siya sa Airport. Medyo natagalan kami kase sobrang traffic.
"Well, see you soon." sabi niya bago magpaalam dahil tinatawag na ang passengers sa flight nila.
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
