EPILOGUE ✍ - Part 1

47K 596 27
                                    

Lucas 

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Akala ko ipaglalaban niya ako.

Akala ko ipaglalaban niya kung ano mang meron kami. Pero bakit siya umalis? 

Hindi ko na namalayan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.

"Lucas!" nagising ang diwa ko. Pagtalikod ko, nakita ko si Kassandra na nasa kabilang kalye. 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero napatakbo ako agad na hindi iniinda ang mga sasakyan dumaraan.

Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Akala ko umalis ka na."

Pagkabitaw ko, kitang-kita kong umiiyak siya. Kanyang tinakpan ang mukha niyang pulang-pula na sa kaiiyak.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko at hinarap niya ako.

At may inabot siya. Nanginginig ang buong katawan ko. Ano bang nangyayari sa kanya?

Pagkakita ko sa inabot niya, tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.

Isinauli niya ang kwintas na binigay ko sa kanya. 

✍ FLASHBACK 

"Good day Sir Lucas! Is she the one?" tanong nung sales lady sa akin.

"Anong the one?" at hinampas pa niya ako. 

"Oo." sagot ko and then the lady handed me the beautiful necklace with my name imprinted on it.

"Para san 'yan?" tanong niya.

"Ah, sabi ho kase ni Sir Lucas, babalik lang siya rito kapag nakita na niya ang babaeng una niyang mamahalin. At isusuot niya sa babaeng iyong ang necklace na pinagawa niya rito." explain nung babae.

"Ano? AKO? Nagpapatawa ka ba?!" sabi pa niya sa akin.

"Bakit ba?" at pinilit kong isuot ito sa kanya.

"Pagtinanggal mo 'yan, hindi mo na ako mahal." sabi ko.

✍ END OF FLASHBACK 


Kassandra 


"Akala ko okay na. Akala ko pwede na. Pero bakit ba ang sakit-sakit?" sagot niya at mas lalo pang tumutulo ang mga luha ko.

Oo mahal ko siya. Oo sinabi kong ipaglalaban ko siya. Pero hindi. Nagkamali ako.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, mas pinili kong magparaya.

"Lucas, sorry." mahina kong sabi at tatapikin sana siya sa balikat. Pero umiwas siya. 

"Sorry? Yun lang?"

Hanggang sa bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Nagkamali ako. Bakit ba hindi ko na tinanggap noon pa?" sambit niya.

At tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa kotse niya.

Kinuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Naiwan akong basang-basa sa ilalim ng ulan.

Kasabay ng pagbuhos nang ulan ang pagbuhos naman ng mga luha ko.

Pag-alis ng kanyang sasakyan at nagsimula na akong maglakad  papunta sa Tita ko kung nasaan nandun sina Mama at Papa na naghihintay.

Pero mas lalo pang bumuhos ang malakas na ulan. Na tila pinipigilan ako sa paglalakad.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon