Lucas ✍
"Hoy pare, patay tayo. Pinalaki pa natin ang problema nung tao." sabi ni Bryan na kanina pa kumukulit sa akin.
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung anong isasagot. Nasa rooftop kami kanina pa ni Bryan para magpahangin.
"Makaalis na nga."
"Hoy, saan ka pupunta." sigaw ni Bryan.
"Kahit saan." tipid kong sagot.
"Saang lugar ba 'yang kahit saan na yan at ngayon ko pa lang narinig? ha?" at tumawa siya ng malakas.
"Tsss." yung na lamang ang mga nasagot ko.
Bumaba na kami ni Bryan, papuntang 4th Floor ng Building na 'to. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa Cafeteria.
Eh, kasalanan naman niya kase pinahiya niya ako kanina sa buong klase.
Nakasalubong namin si James na mag-isa lang.
"Oh, Nalaman ko ginawa mo kanina." sabi niya.
"Tss." at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Anong problema nun?" tanong niya kay Bryan
"Hindi ko alam. May sira yata sa ulo." sagot nito.
° ° ° ° ° ° °
Nakita ko si Kassandra na umiiyak sa bench sa ilalim ng isang malaking puno. Pero bakit mag-isa lang siya? Nasan ang bestfriend niya?
Nilapitan ko siya, at kahit na may kalayuan pa ako eh, rinig ko ang boses ng pag-iyak niya. At sinusubukang punasan ang ulo at uniform niya na nabasa kanina.
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Wow, may damdamin rin pala ako.
Inabutan ko siya ng panyo. Tiningnan niya ito at tinanaw niya ako. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
Umupo ako at kusang ibinigay ang panyo sa kamay niya.
"Sorry." tipid kong nasabi.
Tiningnan niya lang ang panyo habang nakikita kong tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Kinuha ko nalang ito, at ako na mismo ang pumunas sa ulo niya na nabasa.
"Huwag na. Okay lang ako." malamig niyang sabi.
"Pasensiya na talaga." sabi kong ulit.
"Ganyan ba talaga kayong mga mayayaman? Lahat ng gusto niyo ay dapat masunod? Kahit na natatapakan na ang aming mga dignidad?"
"Pasensya ulit."
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Pero naramdaman kong tumutulo na rin ang mga luha sa aking mga mata.
Wait whaaat? Luha?
✍
"Lucas !" narinig ko ang sigaw ni Manang. "Nanaginip ka. Ano bang nangyari?"
Panaginip lang pala ang lahat. At nakatulog pala ako sa sofa pagka-uwi ko kanina galing sa school.
"Bat ka umiiyak? Sa Daddy mo na naman ba? Kun yun man, hindi sinasadya ng Daddy mo ang nagawa niya. Concern lang talaga siya kung bakit niya nagawa yun."
"Hindi po. Wala po 'to." at pumunta na ako sa kwarto ko.
"Magbihis ka na at kakain na ng hapunan."
"Opo." sabi ko bago ko sinara ang pinto ng kwarto.
Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.
Ano bang iniisip ko at yun ang napanaginipan ko?
° ° ° ° ° ° °
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
Fiksi Umum[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
