Chapter 14 ✍ - Camp's Last Night

56.5K 735 22
                                        

Kassandra ✍


"Wait parang kulang ata kayo?" tanong ni Mish kina Bryan at James.

"Ah, si Lucas ba? Nalaman kase niya na sa Swiss University nag-aaral ang kababata niya. Kaya ayun, nakikipaglandian." sagot nito.

"Hoy Bryan!" sigaw ni James.

At nagsitinginan sila lahat sa akin.

"Ay sorry." sagot ni Bryan.

"Bakit kayo nakatingin sa akin?" tanong ko sa kanila.

"Wala, halika na nga! At mag celebrate tayo to the Max!" excited na sabi ni Mish.

° ° ° ° ° ° °

Naglakad-lakad kami ni Mish sa beach at lahat ay nakikita kong nage-enjoy sa camp.

May nagvo-volleyball. Halos lahat ng sports nilalaro na nila.

Habang kami, kumakain at umiinom ng juice. 

Nakakapagod kase kung maglalaro pa kami. I prefer playing sudoku 'cause I'm not sporty after all. 

May iba naman kung maka holding hands wagas. 

Feeling ko nga hindi nato camp. Summer break na 'to. Haaays, ganito talaga ang mga mayayaman.

"Hoy Kass! Anong iniisip mo diyan?!" tanong ni Mish.

"Ah wala naman." 

"Ikaw ? Wala? Weh?"

"Wala nga." sagot ko.

Pero nagulat ako ng humarap si Mish sa akin. Ang weird ng gestures niya na para bang may tinatago.

"Kass, punta tayo dun oh." at tinuturo pa ang isang booth gamit ang labi niya.

"Ha? Diba pumunta na tayo dun kanina?"

"Bumalik tayo please !"

"Bakit nga!" tanong ko.

"Basta!" sagot niya.

"Pwede ba, huwag kang humarang sa dadaanan namin." sabi ng isang lalaki sa likod ni Mish. 

Ng tingnan ko, si Lucas pala ... at kasama ang may mala porselanang kutis na babae. Ito siguro ang kababata niya.

Tiningnan ito ni Mish ng masama.

"Pwede namang mag-excuse diba? Halika na nga Kass!" at hinatak niya ako papalayo.

"Tss." yun ang huling narinig kong sagot ni Lucas.

"Hinihingal na ako Mish. Huminto na tayo." at huminto nga kami.

Umupo kami sa napakaputing buhangin ng dagat.

"Haay nako, naiirita talaga ako kapag nakikita ko ang lalaking 'yun." sabi niya.

I just smirked. 

"Pero okay ka lang ba Kass?" tanong niya sa akin.

"Ha? Bakit naman ako hindi magiging okay?" tanong kong balik sa kanya.

"Well, alam mo na."

"Ah yun ba? Wala 'yun. Kinalimutan ko na 'yun."

"Kinalumutan nga ba?" tanong niya ulit.

I just nodded. I have no right to feel jealous, or should I say, I shouldn't.

"Kukuha lang ako ng maiinon natin uli. Baka nauuhaw ka sa ginawa nating pagtakbo." sabi niya.

"Sige, salamat." sagot ko.

Napakarefreshing sa utak ang simoy ng sariwang hangin. 

Napapikit ako sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. Na tanging mga hampas lang ng mga alon ang naririnig ko.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon