Chapter 04 ✍ - Memories Unlocked?

43.2K 594 63
                                        

Kassandra ✍ 


"Oh, Hi ... Nicole." ni hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya. Her eyes were full of glares.Mabuti nalang at hindi sa kanya nakatingin si Lucas. At para hindi halata, I just faked a smile.

"Hi." tipid lang niyang sagot.

"She was the one I was telling you who helped me here." he smilingly said.

"Really? I hope she's not on the way." sagot ni Nicole na ikinagulat ko.

"What do you mean?" tanong ni Lucas.

"Nevermind. Sige Kassandra, may pupuntahan pa kami." dagdag pa niya.

At nakita ko ang gulat sa mga mata ni Lucas nang sabihin niya yun. Alibi lang guro niya para makaalis sila.

Ako naman, wala sa isip na naglakad papuntang cafeteria. Magiging magulo na naman ang lahat. Sawang-sawa na ako sa komplikadong buhay. 

Pag nalaman na naman ni Ramon to, siguradong may gagawin na naman yun. Bakit naman ba kase bumalik pa rito na may magandang buhay na run sa labas ng bansa.

Pagbalik ko kina Bryan at Mish, nahalata nila na nagbago ang mood ko.

"Oh, anong nangyari sa pagmumukha mo?" tawang sabi pa ni Bryan.

"Ah wala. May sumagi lang sa isip ko." sagot ko nalang.

After namin magkwentuhan sandali, umalis na si Bryan kase bibisitahin pa niya ang Lola at kapatid niya. At nalaman rin namin nga kami pala talaga ang pinunta niya rito! 

"So Mish, ano na? Wala bang chikka jan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa lecture hall.

"Kass naman eh!" hala, hala napakaharot ng boses.

"Haaay nako, bahala na nga kayo." tawang sabi ko. 

"Eh ikaw Kass, alam kong may nangyari kanina." seryosong sabi niya.

"Ha? Wala naman." sagot ko.

"Hinding-hindi ka makakapagsinungaling saken. Wait, may nangyari na naman ba sa inyo ni Lu--" mabuti nalang at natakpan ko ang bibig niya.

Kase, pagliko namin, nakasalubong namin si Lucas. What's worst? Parang narinig niya ang pangalan niya na ibabanggit pa lang. At yun, tumigil siya at tinitigan kami na may pagtataka.

"Ah si Lucio? Yung hardinero niyo? Bakit anong nangyari sa kanya?" Huhuhuhuh pag-iiba ko ng topic. Wala naman talaga kaming kilalang Lucio. 

Kinurot ko siya agad para hindi siya magtanga-tangahan at sabayan ako.

"Ah oo. Patay na ang alaga niyang ipis." Hindi ko alam kung hahalakhak na ba ako o hindi. Baka kase maghinala si Lucas.

"Ipis? What's that?" tanong niya.

"Ah-eh, Ipis is the name of their pet." dagdag pa ni Mish. Natatawa na talaga ang kaluluwa ko sa kaloob-looban. Sumabay na rin kase si Lucas sa amin papasok sa lecture hall.

"Wew Kass, mabuti nalang at hindi nakakaintindi ang mokong." paghihinga ng malalim ni Mish pagkaupo namin. Mabuti nalang at late rin Prof namin kaya nakapag-usap pa kami.

"WHAT?!" nagulat ako nung maisigaw niya.

"Hoy! Hinaan mo boses mo!" sabi ko sa kanya.

"Ay sorry. Anyways, malaking gulo to Kass." sabi ni Mish.

"Oo,  alam ko." sagot ko nalang.


"Next week's gonna be a hell week." sabi ni Lucas pagkalabas namin sa lecture hall. Prelim exam na kase next week and what's worst? Andaming topic ang coverage ng exam.

"Hey guys, wanna hang-out a litte bit?" pag-aayaya niya. Pero tiningnan ko lang siya kase naman hindi naman ako party person. Ni hindi pa nga ako nakatikim ng alak.

"Sure!" sigaw pa ni Mish. Basta talaga party, game na game tong mokong na 'to!

Habang papalabas na kami at naglalakad na sa hallway, nakita kong may paparating na lalaking may maraming bitbit na mga libro.

At di ko namalayan na nakatalikod pa naglalakad si Lucas kase kausap niya si Mish! 

"Huwag kayong humarang sa daan!" sigaw nung lalaking nagbibitbit ng mga librong mabibigat sa sobrang kapal. At nagulat ako nung hindi man lang pinansin ni Lucas.

Oo nga pala! Hindi siya nakakaintindi!

"Lucas! Watch out!" sigaw ko at paglingon niya, huli na ang lahat. Hindi rin kase masisisi ang tagabuhat kase hindi niya masyadong nakikita ang daan dahil nakatabon na to sa mukha niya.

At nabagsakan ng mga libro si Lucas na sanhi ng pagkawala ng balanse niya. 

*Tok!*


That buzzer beater book. Nabagsakan pa siya sa ulo. Wait .... whaaaat? 


"Ouch!" sigaw niyang malakas.


"Lucas! Okay ka lang ba?!" tanong ko agad sa kanya. Pero nanginginig na ang buong katawan ko. Parang paralisado ito sa sobrang kaba.

Kase naman, habang inaalalayan ko siya, nakatitig lang siya sa akin na para bang may malalim na iniisip.


Hindi kaya dahil sa nabagsakan ang ulo niya nung makapal na libro eh ... bumalik ang ala-ala niya?

Hindi pwede! Hindi maaari!

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter  04 ✍ - Memories Unlocked?
Date Published: December 20, 2014

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon