Lucas ✍
Maaga kaming nagising kaya naman maaga kaming nag-ayos para umuwi na.
"Ayoko pa sanang umuwi." sabi ko sa kanya.
"Kailangan nating harapin ang lahat." sagot niya.
Nagsimula na akong magdrive. Malayo-layo pa ang byahe namin.
"Oo nga pala, narinig ko ang sabi mo kagabi." sabi ko sa kanya at nakita ko ang gulat na rumehistro sa mga mata niya.
"Ha? Wala naman akong sinabi ah." pagmamaang-maangan niya.
"Tss, kung alam ko lang, patay na patay ka rin naman sa akin." sagot ko habang nagda-drive.
"Wow ha! Kapal talaga ng mukha mo!" at hinahampas pa niya ako.
"Hoy! Nagmamaneho ako." at sabay naming tawa.
"Pero talaga, narinig kita kagabi." pag-uulit ko.
"Eh kung narinig mo nga talaga aber, anong sinabi ko?"
"AAAH! So totoo nga pala talaga yun! Akala ko panaginip lang." and her cheeks turned pinkish.
"Huli mo ko dun ah." sagot niya.
"So, anong plano mo?" tanong ko sa kanya.
"Plano? Wala." sagot niya.
"Ipaglalaban mo 'ko tapos wala kang plano." at nagblush pa siya ng sobra-sobra. Halatang-halata naman, kase umiiwas agad siya ng tingin.
"Eh ano bang dapat kong gawin? Gagawa lang ako ng paraan kapag andyan na." sagot pa niya.
"Eh ikaw? Ano bang plano mo?"dagdag pa niya.
"Uunahin ko muna ang problema tungkol sa kasal sana namin ni Nicole."
"Hindi mo ba siya minahal? Kase sa paningin ko, parang mahal na mahal mo siya." sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot.
"Noon nung mga bata pa kami. Pero ngayon wala na. 'Twas really Dad's decision. Pumayag lang ako kase binasted mo nga ako diba nun? Gusto ko sanang pagselosin at sa tingin ko nama'y umubra." at diniinan ko talaga ang pagkakasabi.
"Bakit ba ang hangin-hangin mo? -.- Pero alam mo ba ang gulong papasukin natin? Malaking-malaking gulo.." sabi niya.
"Alam ko. Pero sapat ng dahilan ang pagmamahal ko sayo para ipaglaban kita."
"Should I be really flattered with that? Mas kinakabahan ako sa mga sinasabi mo."
"Dapat lang. Sa dinami-dami ng mga babae jan ikaw pa ang minahal ng katulad kong gwapong-gwapong-gwapong lalaki."
"Tssk. Hambog mo."
"Nagsasabi lang ng totoo." sagot ko.
"Ikaw, sure ka na ba?" pagbabaling ko ng tanong.
Hindi rin siya nakasagot agad. Napalalim ang kanyang iniisip.
"Oo." seryoso niyang sagot.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko kahit ang dalawang letrang iyon.
At binalot ang buong sasakyan ng katahimikan.
Kassandra ✍
Isang oras ang lumipas bago kami nakarating sa bahay.
"Sige salamat." tipid kong sabi. Napagod rin kase ako sa byahe.
Kahit isang oras lang ang lumipas, eh parang isang araw na byahe na katumbas nun.
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
