Chapter 05 ✍ - Evil Lucas

66.7K 922 56
                                    

Lucas ✍

"Oh hi." sagot lang niya at nilapag ang mga pagkain na order namin.

Kita ko pa rin sa mga mata ng dalawa ang pagtataka at panghihinayang.

At nakita ko rin ang mga mata niya. Naaaninag ko ang mga matang nahihirapan na sa kanyang kondisyon ngayon.

"Sige, may gagawin pa ako." sagot nito at bumalik na sa kanyang trabaho.

"Tssk, nakakaawa naman si Kassandra." panghihinayang na sabi ni James. 

"Bakit hindi mo alam na dito siya nagtatrabaho eh gayung inyo naman ang restaurant na ito?" tanong ni Bryan.

Kahit ungas 'tong si Bryan may utak rin pala 'to. Natawa nalang ako imbis na maawa sa naging sitwasyon.

"Malay ko ba. Hindi naman ako hands-on sa mga ari-arian namin." sagot ni James.

"Diba eto ang pinakapaborito mong restaurant ha?!" nagsisimula na naman ang dalawa -.-

"Oo nga pero ..." 

"Aalis na ako. May gagawin pa ako." sabi ko at nauna na akong umalis.

° ° ° ° ° ° ° 

Lunes na naman ><. Pero buti nalang at maaga akong nagising ngayon.Or should I say, hindi ako nakatulog. Ah basta, ewan ko ba.

"Lucas, ang aga mo yata ngayon ah!" sigaw ni Bryan na ngayon lang dumating.

"Tumahimik ka nga."

"Ang aga pero badtrip agad? Nakakabad vibes ka sa umaga ko." sagot pa nito.

Wow, so ako pa ang bad vibes sa umaga nga. 

Ilang sandali pa'y dumating na ang Prof. namin sa History. Heto na naman kami at oral exam kaagad. 

Sawang-sawa na ako sa mga lessons. Hindi ko naman magagamit sa pagpapatakbo ng kompanya balang araw. tsssk. 

Kaya nga ayokong mag-aral.

"So, as usual we will have an oral exam." paunang sabi nito.

"But this time, it's by pair. At ako ang mamimili." sabi ni Prof.

Nagsimula ng mag pair si Prof. Hanggang sa tinawag ang pangalan ni Kassandra.

Tinanaw ko siya. And guess what ? Natutulog siya.

"Ms. Kassandra, are you with us?" tawag ni Prof.

Kahit ni tinatapik siya ni Mish ay hindi pa rin siya nagigising.

Nagsimula ng magtawanan ang mga kaklase namin.

"Ms. KASSANDRA!" at sinigawan na siya nito.

"Prof ! Present!" yun ang mga nasabi niya at nakatayo pa siya. 

Nagsihalakhakan na ang lahat. Nagsitawanan sa mga nangyayari.

"I'm sorry Prof." 

"Get out!" galit na sigaw ni Prof.

Everyone was shocked. This is not good. Lalabas na sana si Kassandra pero pinigilan ko siya.

"Stop." tumayo ako at kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mga mukha nila.

"Her brother is sick. She needs to work 24 hours if possible para lang mapaggamot ang kapatid niya. Then here you comes, shouting her to get out without asking why is she sleeping in your class." sabi ko.

"Get out Mr. Lucas Montreal!" 

"You get out of my school, Prof."  I said with an evil smile.

Hindi na nakapagsalita si Prof. at umalis nalang siya. Nagsipalakpakan ang lahat. 

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon