Kassandra ✍
KINABUKASAN. Habang nagbabasa ako ng libro dito sa library, may nagsara ng librong binabasa ko.
"Ang ayaw ko sa lahat 'yung pinapakealaman ako kapag nagbabasa ako." at tinanaw ko ito ng matalas.
"Tss, I'm just here to remind you about the tutorial." sabi ni Lucas.
"Hindi naman ako ganyan ka ulyanin para makalimot sa usapan natin sa tatlong kondisyon. At tska, may isa akong salita. Kapag sinabi kong oo, wala ng bawian." paunang sabi ko.
"Umalis ka na nga dito ! Halata namang hindi ka nababagay sa lugar na 'to." sabi ko.
"Tss." yun lang ang naging sagot niya. Maypagka ahas din pala ang lalaking 'to.
° ° ° ° ° ° °
Kahit na labag ito sa kaibuturan ng aking mga buto, ay gagawin ko nalang. Ilang araw lang naman ito.
Sasakay na sana ako nang jeep ng may isang itim na magarang sasakyan na huminto sa harapan ko.
Binaba nito ang windshield ng sasakyan.
"Good Afternoon po Ms. Villanueva, pinapasundo po kayo ni Master." sabi nung lalaking na formal na formal pa ang suot.
"Master? Si Lucas?" sagot ko. Wow ha, maypa master-master pa.
"Yes Ma'am. Pumasok na po kayo para hindi po tayo abutan ng traffic."
Ano 'to sapilitan? Pero oo nga, baka hindi ako makaabot ng 5PM dun kapag nag jeep pa ako. Kaya naman pumasok nalang ako sa kotse.
Pagkarating namin, nagulat ako sa mga nakikita ko.
Napagara ng kanilang mansyon. Animo'y sa panaginip ka lamanng makakakita ng mga ganito.
Pero lubha akong nagandahan sa kanilang hardin na tila hango sa naging hardin noong sina Adan at Eba pa lamang ang namumuhay sa mundong ito.
Isang palasyo at isang mala paraisong hardin. Lubha akong namangha sa kanilang lugar pero hindi ko pinapahalata.
Ganito talaga kapag mahirap. Kahit na simple lamang sa paningin ng iba, paraiso na pagdating sa mga katulad ko.
Nasa harapan na ako ng kanilang pintuan. Hindi na ba talaga ako mauubusan ng paghanga sa lugar na 'to?
Pintuan palang, haligi na ng aming bahay namin. tssk.
Pagkabukas ng mga pintuan ay nakita ko si Lucas na naka-upo at umiinom ng tsaa. Katabi ang kanyang butler.
"Oh, dumating ka na pala. Halika ka na at magsimula na tayo. Ayokong magsayang ng oras." sabi ni Lucas.
"Philip, umalis ka na muna rito." sabi niya na tinutukoy ang kanyang butler.
"Yes Master."
At dumating ang isang matandang babae na napakaganda na mukhang galing sa kusina.
"Lucas, nandito na pala ang bisita mo. Halika ija, umupo ka na rito at gagawa lang ako ng iyong makakain." sabi nito.
Pero nagtaka ako na Lucas lang ang tawag sa kanya gayung Master naman ang tawag sa kanya ng mga empleyado dito.
Umupo ako sa upuan nila na napakalambot at sinimulan ko ng kunin ang mga gagamitin para sa tutorial na ito.
"Magsimula na tayo." malamig kong sabi.
Lumipas ang isang oras bago kami natapos.
"Wala na bang shortcut diyan? Kailangan ba talagang imemorize ang lahat ng 'yan?" pagmamaktol ni Lucas.
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
General Fiction[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...
