Lucas ✍
"Bryan!" tawag ko sa kanya habang naglalakad ako sa hallway patungo rin sa classroom.Pero tinanaw lang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Oo nga pala. Nagkaalitan kaming dalawa.
Nasigawan ko ang bestfriend ko na walang ginawa kundi ang maglasakit sa akin.
Tumakbo ako patungo sa kanya at inakbayan siya.
"So galit ka pa rin. Oo na, bibilhan na kita ng ticket sa concert ng idol mo. Sabihin na nating dalawang ticket para may date ka. Pero kung ayaw mo naman pwede ring ... " at palihim akong tumawa.
Huminto siya sa paglalakad at tinanaw niya ako ng matalas.
Kinabahan naman ako ng kaunti.
Pero nawala iyon ng tumawa siya. "Kung hindi lang talaga kita bestfriend." sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
At sabay kaming nagsitawanan. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao rito.
Habang naglalakad pa kami patungong classroom naitanong ni Bryan ang nangyayari sa buhay ko ngayong mga nakaraang araw.
"So, ano ng mga nangyayari sa bulakbol mong buhay aber?" tanong niya.
"Wala." tipid kong sabi.
"Wala? Eh, kalat na kalat na sa buong campus na tutor mo si Kassandra." sabi nito na ikinagulat ko.
"Whaat?" at lumaki ang mga mata ko.
"Joke lang. Ako lang nakakaalam." at nakahinga ako ng maluwag.
" 'Bat mo alam?" tanong ko.
"Tumawag kase ako kahapon sa bahay niyo. 'Tas si Manang ang nakausap ko sa telepono. Sinabi niya na may lecture pa nga kayo ng TUTOR mo." at diniinan pa talaga ang salitang tutor.
"Hindi, parte lang 'yan ng mga plano ko." pangiti kong sagot.
"Plano? Pare, kung ako sayo 'wag si Kassandra. Marami pang problema yung tao."
"Wala ka bang tiwala sa akin? Ako na ang lumutas sa mga problema niya bro."
"Talaga? Paano ? So anong plano mo?"
"Ako ang nagbayad sa mga gastusin nila sa ospital kapalit ng tatlong kondisyon."
"Wow, pero anong mga kondisyon?"
Huminto ako at sinagot ko siya.
"Mga kondisyong pagsisihan niya dahil tinaggap niya."
"Tss Lucas, wala na akong pakealam diyan. Wala akong balak magpabugbog ulit kay Dad. Pero sasabihin ko sayo 'to. 'Wag mong hayaang ikaw ang magsisi sa huli." at nagpatuloy siya sa paglalakad.
Pagpasok namin sa classroom, nakita ko si Kassandra na nagbabasa na naman ng libro.
Tss, nerd talaga 'tong babaeng 'to. Wala ng ginawa kundi ang magbasa.
° ° ° ° ° ° °
Kassandra ✍
So dumating na pala ang Young Master. Tinanaw ko lang siya habang papasok siya sa classroom.
At ilang minuto lang ay dumating na rin ang Math Teacher namin. The Great Proffesor Lim.
"So, first and foremost, malapit na ang first exam for this year. And I don't know how to deal with your grades. Without any favoritism, only Kassandra passed so far. But if you will pass the exam, you'll get good grades." paunang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Dating The Class Valedictorian (KathNiel)
Ficción General[ Complete Compilation of Book I & II. ] Dating The Class Valedictorian ✍ Kassandra Villanueva is one of those overly intellectual obsessive, or socially impared well-being. In simpler form, she is one of those nerds. Boring isn't it? Pero pano ku...